Huwebes, Setyembre 25, 2014

Wish

Hanggang kailan mo kayang ipaglaban ang iyong minamahal?

Paano mo pakaiingatan ang nag-iisang tao sa buhay mo kung ang kalaban mo ay ang panahon at ang tadhana?

Hanggang saan mo sya kayang protektahan mula sa mga sakit na dulot ng mundo?

Makakaya mo ba syang makitang papalayo sa ‘yo?

Anong gagawin mo?

Ipaglalaban ba sya o isusuko at tatanggapin ang pagkatalo?


Napakamakahulugan ng buhay ng tao. Maraming bagay ang maaaring magbago at mangyari sa isang kisap-mata lang.

Pahalagahan ang buhay na binigay NYA sa iyo...

Maswerte ka kung hindi ka nakakaranas ng anumang pahirap sa buhay...

Kung kaya dapat lang na matuwa ka, magalak at magpasalamat sa lahat ng biyayang natatanggap mula sa KANYA.


Isang ganap na magagaling na estudyante sina Milliene at Kyle na sa kasalukuyan ay nasa ikaapat na taon sa sekondarya. Ang bawat minutong lumilipas ay inilalaan nila sa pag-aaral. Hobby na nila 'to. Sa classroom makikita na talagang seryoso ang dalawa, ngunit pagkatapos ng klase andyan na't nagtatransform na sila sa pagiging makwelang kabarkada. Napakatibay ng samahang binuo ng dalawa, na syang naging susi para magkaunawaan pang lalo sila at ang mga kaibigan.

"Walang isa o anumang salita ang makapaghihiwalay sa atin..."

yan ang sumpaang binitawan ng magkakaibigan. Sa bawat araw na dumadaan, sina Kyle at Milliene pa rin ang palaging magkasama, magkakulitan, magkaagapay saanman magpunta o anuman ang maging problema, kung kaya sila ang naging matalik na magkaibigan.

Sa kabila ng pagiging malapit nila sa isa't isa, hindi lahat ng bagay na tungkol kay Milliene ay alam ni Kyle. Isa na rito ang tungkol sa sakit na pinakatatago ni Milliene. Itinago nya ang tungkol dito para hindi na mag-alala pa ang bestfriend nya. Minsan na syang naospital ng dahil sa karamdaman kaya iniingatan nya nang sobra ang sarili.

Sa pagdaan ng mga araw, nabalitaan ni Milliene na may girlfriend na si Kyle, kahit hindi nya ito mismong nalaman kay Kyle,naging masaya sya para dito. Subalit nakaramdam sya ng pag-aalala sa hindi pag-attend ni Kyle sa ilang mga klase nila. At para hindi tuluyang mapabayaan ang pag-aaral ay kinausap ni Milliene si Kyle.

"Balewala ang katalinuhan kung puso ang pinairal..."

Ang mga katagang ito ang tumatak sa kaisipan ni Kyle. Kung kaya hindi na nya itinuloy ang unang balak na lokohin lang ang girlfriend bagkos ay minahal na nya ito ng tunay. Sa kabila ng mga pangyayaring ito, nanatili sa likod ni Kyle ang kaibigan para suportahan sya sa anumang plano ang gagawin, maging gabay nya na magsasabi kung tama lang ba o mali ang kanyang mga naiisip at nagawa.


*After 1 month*

Hindi pumasok sa school si Kyle, nag-alala si Milliene kung kaya nagpaalam sya sa mga teachers nila na aabsent muna sa araw na iyon dahil sa isang mahalagang bagay na dapat nyang gawin. Nang makalabas syang muli sa paaralan, minabuti nyang dumiretso sa bahay nina kyle para kamustahin ang kanyang kaibigan. Nasa tapat pa lang sya ng gate ng mga ito ay nakita na nya si Kyle na nakupo sa damuhan sa may garden nila. Pinapasok na sya at dumiretso sa kinauupuan ni Kyle. Tumabi sya dito at,
"ahem... anong drama kaya ito ng bestfriend ko? bakit hindi ka pumasok sa school?" - Milliene

"HUH? t-teka, anong ginagawa mo dito? saka anong drama pinagsasabi mo? e ikaw, bakit hindi ka din pumasok?" - Kyle

"Assuuuss... wag mo ibalik yung tanong ko. Bestfriend kita kaya di mo na kailangang magtago. Andito na ako. Pwede ng ilabas yan. ^_^" - Milliene

Habang nakangiti si Milliene, biglang yumakap sa kanya si Kyle at umiyak. Mahigpit ang yakap nito sa kanya. Kahit medyo nagulat, tinapik tapik nya ang likuran ni Kyle at niyakap din ito. Ilang minuto din silang magkayakap, at nang medyo maayos na si Kyle, bumitaw na ito sa pagkakayakap at tumalikod kay Milliene. Tatayo na sana ang binata pero napigilan sya ni Milliene.

"HEP! Ang daya mo ah. Matapos mong basain ng luha mo ang damit ko, aalis kana agad. Aba, gusto mo maupakan. Lika nga dito." - Milliene

"Ayoko!" - Kyle

"e, bakit kaba nakatalikod sa 'ken? gusto ko lang naman malaman ang problema mo e. andaya mo talaga kahit kelan. Hmp!" - Milliene

"Ayoko humarap sayo. Baka upakan mo nga ako." - Kyle

"Aw! Sineryoso mo bestfriend? haha, lika na nga dito. hindi ko naman gagawin yun sa 'yo e" - Milliene

Umupo na muli si Kyle sa tabi ni Millliene, nagsimula na din syang magkwento tungkol sa mga nangyari. Habang nakikinig si Milliene, nararamdaman nya ang sakit na nararamdaman ng kanyang bestfriend.

"... haay. tinu-time nya ko, bestfriend. Ang sakit nun ah." - Kyle

Pagkasabi ni Kyle nun, ay tumungo sya at naiyak na muli. Niyakap naman sya ni Milliene na naiiyak din sa nangyare.

"Lika nga dito. Wag kana mahiya sa 'ken. Bestfriend mo naman ako, ok lang ipakita minsan na mahina ka. Sige, iiyak mo lang Kai. Ilabas mo lahat para gumaan ang loob mo. Hindi natin bati yung babae na yun. Sinasaktan lang nya ang bestfriend ko." - Milliene

"hehe, sira ka talaga. Para tayong bata nyan e, hindi natin bati. haays. tama na nga 'to. malayo to sa buto. Kayang-kaya ko to."

"yan ang bestfriend ko. ^_^"

"salamat Mai. Lika na nga, pasok na tayo sa sunod nating klase. Balik sa dating buhay." - Kyle

"wala  yun nuh. basta ikaw. saka para saan pa't naging kaibigan/bestfriend mo ako kung papabayaan lang kita." - Milliene

Bago sila bumalik sa school, minabuti na nilang kumain na muna ng tanghalian. At ng makatapos ay sabay na silang pumasok. Pinagtitinginan sila ng mga estudyante at pinagbubulungan. Lumayo ng konti si Milliene kay Kyle pero napansin agad ito ng binata. Kung kaya napatigil ito at kinausap si Milliene.

"bakit ka lumayo, Mai?" - Kyle

"Kase nailang ako bigla, para kaseng pinagbubulungan tayo, baka kung ano sabihin nila sa girlfriend mo." - Milliene

"haha.. baliw talaga tong bestfriend ko. Hayaan mo sila. Wala akong pakialam sa girlfriend na sinasabi mo ah, take note X_GIRLFRIEND na sya. Tara na nga." - Kyle

"Kai! Ang bitter ha. hehe, sige tara na nga, sabi mo e." - Milliene

Muling nabuo ang tropa nila at mabilis na lumipas ang buwan. Nalalapit na din ang kanilang graduation at sa unang pagkakataon ay magkakahiwa-hiwalay sila. Mas pinili nilang pahalagahan ang bawat oras, araw, at panahon na dumaraan bago ang pagtatapos. Sama-sama pa din silang nag-aaral, nagkukwentuhan, nagbibiruan, nagtatawanan at naglalaro ng volleyball kung bakanteng oras.

Masaya ang lahat, lalo na si Kyle, na sa tulong ng mga kaibigan nya'y nalimutan nya ang sakit na aramdaman nya nung una. Nais nyang gawin ang lahat ng kanyang makakaya upang mapanatiling masaya ang bawat isa sa kanyang mga kaibigan, lalong lalo na si Milliene.

Samantala, isang araw sa pagbubukas ni Milliene sa kanyang locker ay may nakita syang pink rose at isang card sa loob nito.

"Ingat ka palagi ha? Andito lang ako para sa 'yo. I would be your shadow, if you're alone. I would be your shoulder, if you want to cry. And I would be your pillow, if you want hug.  - Always your, Suitor"

Napatitig lang sya sa letter na nabasa at hindi nya namalayan ang pagdating ng kanyang bestfriend. At biniro-biro sya, na sa wakas daw ay nagkaroon na sya ng manliligaw. Namula si Milliene kung kaya lalo syang tinukso ng kaibigan. Tumungo na lang si Milliene dahil nahihiya sya dito. Ito ang unang beses na mayroong manliligaw sa kanya. Hinintay lang ni Milliene na makatapos si Kyle sa paglalagay ng mga gamit sa locker at ng makatapos ito ay nagkayayaan ang magkakatropa ng basketball. Sabay-sabay silang nagpunta sa school gymnasium para makapaglaro. Muli, naging masaya ang isa na naman nilang bonding moments kasama ang iba. Nang makatapos ay nagdiretso na silang muli sa kani-kaniyang locker. Muli, pagbukas ni Milliene ay may towel namag nakalagay dito. Kinilabutan na sya sapagkat sobrang misteryso nga ng manliligaw na ito, wari'y alam ang lahat ng ginagawa nya, kinabahan sya na parang anumang oras ay maaaring may gawin sa kanya ito sakaling balewalain nya ang pagpaparamdam nito. Dahil sa takot na nabubuo sa kanyang isipan, minabuti nyang kausapin si Kyle, para humiling sya ng pabor na huwag sya hayaang mag-isa at huwag din syang iiwanan. Ngumiti lang si Kyle sa kanya at saka tinapik ang balikat. Napanatag ang loob ni Milliene.

Makalipas ang isang linggo ng pagpapadala  ni Suitor ng pink roses ay nagset naman ng gala ang buong klase nila.Napagkasunduan na isang hiking ang maganap, kung kaya lalong naexcite ang lahat. Samantala, humiwalay muna sa grupo sina Milliene at Kyle.

"Alis muna ko Mai ah. Dito ka muna." - Kyle

"sama na lang ako sa 'yo. Di ba sabi mo hindi mo ko iiwanan." - Milliene

"hmmp... babalik naman ako no. Saglit lang to. Saka importante talaga e. Bawal ka dun."
- Kyle

"ang daya naman neto... (pout)mambababae ka na naman no? kaya ayaw mo ako isama. hmp! Bahala ka nga jan di na lang ako sasama sa hiking na yun." - Milliene

"wag kang ka-pout jan, maiitali na bibig mo e. Tampo ka naman agad, hindi naman ako mambababae e, basta malalaman mo din yun. Maghintay ka lang. Sige aalis na ako, hintayin mo na lang ako ah. babye mai ^__^" - Kyle

Matapos ang usapan nila ay agad na tumakbo palabas si Kyle. Nagpunta sya sa isang flower shop para umorder ng sandamakmak na pink roses. Natutuwa sya sa mga mangyayari sa buong maghapon. Sa kabilang dako, nakahanda na ang lahat ng mga sasama sa hiking, ngunit si Milliene ay hindi na mapakali sa kakahintay kay Kyle.

"Milliene, aalis na tayo. Lika na. Ano pang tinatayo-tayo mo jan?" - Bianca

"sige una na kayo. Hihintayin ko lang yung mokong na Kai na yun. Kitakits na lang mamaya. Sunod din kami agad pag dumating na sya." - Milliene

Naupo si Milliene sa may bakanteng  upuan sa garden. Bawat isang umalis kanina sa kanilang klase ay may mga ka-buddy. Ilang minuto pa din ang lumipas at wala pa din si Kyle. Tumayo na sya para makapaglakad at sundan ang mga kaklase. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa nya ngbiglang may humawak sa kamay nya at hinila siya, kung kaya napatakbo na din sya. Nagulat man sya sa ginawa ni Kyle, ang mahalaga alam nyang hindi sya iiwan nito. Maya-maya ay naglakad-lakad sila para maibsan kahit papano ang pagod buhat sa kanilang pagtakbo. Hawak pa din ni Kyle ang kamay ng dalaga kahit naglalakad sila.

"Ikaw ha. sabi ko sayo hintayin mo ko. Bakit parang uuna kana kanina?" - Kyle

"hmp! e kung isinama mo na lang ako kanina sa pinunthan mo di sana hhindi ako naghintay ng ganung katagal. Nakakainis to!" - Milliene

"ahe, oo nga pala... sorry naman. Mapapatawad pa ba ako?" - Kyle

"tss... sa mukha mong yan sinong hindi makakatiis patawarin ka. Haaay naku... Lika na nga, naiwan na tayo ng iba nating kasama. Bagal-bagal pa kasi yan tuloy kahulihan tayo."  Milliene

"ano ka ba! ok lang yun nuh." - Kyle

At muli silang naglakad. Nagtaka si Milliene dahil sa ibang daan sila nagpunta, may kanya-kanya silang mapa subalit hindi ito sinunod ni Kyle. Tumingin sya sa binata, at ngumiti lang ito.

"magtiwala ka lang. Makakarating din tayo sa kanila. Don't worry, ok?" - Kyle

Nakaramdam na ng pagod si Milliene kung kaya nauppo muna sila sa isang malaking bato. Humilig sa balikat ni Kyle si Milliene, at sa may bandang itaas ay palihim naman silang kinukunan ng picture. Walang kamalay-malay si Milliene sa plano ng lahat, hindi nya alam na kanina pang nasa pupuntahan nila ang ibang mga kasama. Kasabwat ni Kyle ang buong klase para magawa ang bagay na ito. Maya-maya'y ipinagpatuloy na muli ng dalawa ang paglalakad. Napakarami ng mga malalaking batong nakaharang kung kaya kinailangang alalayang mabuti ni Kyle ang dalaga para hindi ito masaktan. Dumaan din sila sa isang hanging bridge na kung saan sobrang higpit ng kapit ni Milliene sa braso ng binata dahil sa natatakot ito. Sa pagtawid nila sa isang ilog ay nagawa pa nilang magtampisaw.Gayunpaman, naging masaya ang dalawa sa paglalakbay. Ang bawat pangyayari ay nakunan ng pictures. Nabalot ang buong lugar ng malulutong na halakhakan ng dalawa at ng masaya nilang kulitan na animoy mga batang naglalaro lang. Nalalapit na sila sa kanilang patutunguhan kung kaya unti-unti ng nag-iiba ang mga nangyayari. Isa-isa ng naglalaglagan ang mga pink roses. Tumigil si Kyle at pinagmasdan si Milliene na kasalukuyang namamangha sa ayos ng lugar, animoy pinaghandaan para sa kanya. Puno ng pink roses ang lugar, bukod pa ang mga petals na pumapatak mula sa itaas, wari'y nananaginip lang ang dalaga ng mga oras na iyon.

"Umuulan ng pink roses, ang paborito kong bulaklak." - nasabi ni Milliene sa isip.

Pagdating nya sa gitna, isa-isang lumabas ang mga kaklase nila, nagtaka sya kase parang alam ng lahat ang mangyayari at sya lang ang bukod tanging walang ideya kung para saan ito. Bumuo ng isang malaking bilog ang mga ito, at mula sa sulok pumasok sa loob ng bilog si Kyle, kasalukuyan syang palapit kay Milliene.

"Pormal kong ipinahahayag sa lahat, at lalo na sa iyo Mai... ^__^ Ako bilang Kyle, na bestfriend mo at ginawa mong body guard, at ang Suitor mo na nagmumukhang stoker kase alam ang bawat galaw mo, ay iisa. Mabigat ang salitang pangako pero gusto kong sabihin ito sa 'yo... Na nangangako akong mamahalin ka, at pahahalagahan ang bawat araw na kasama ka. Hanggang makakaya ko iiwasan kong masaktan ka." - Kyle

Natawa lang si Milliene. Natouch sya ng sobra, na-appreciate nya ang ginawa ng bestfriend nya at mga kaibigan nila. Hindi nya alam kung paano magpapasalamat sa isang bagay na ito na sobrang ikinasaya niya. Ngumiti si Milliene sa lahat, tumingin sya kay Kyle. Kahit alam ng dalagang namumula na sya, pinilit nya pa ring ipakita sa lahat na masaya sya. Lumapit si Milliene kay Kyle, inilapat nya ang pisngi sa dibdib ng binata. Niyakap naman sya ni Kyle. Ipinikit ni Milliene ang mga mata at nagsimulang magsalita.

"Babatukan pa sana kita pero niyakap mo agad ako. Kahit kailan talaga alam na alam mo kung paano ako pasasayahin. Salamat Kai." - Milliene

Iminulat na nya ang mga mata at tumingin sa binata.

"Salamat talaga sa lahat-lahat. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya lalo na ngayon. Pwede na din ba kitang mahalin? Ay mali pala... ^__^ Mamahalin na kita ngayon, hindi lang bilang bestfriend, kundi bilang isang partner. Wag kana aangal, baka bawiin ko p sinabi ko. hehe" - Milliene

Speechless si Kyle. Natigilan. Nakatitig lang sa mukha ng dalaga. Wari'y hindi pa naaabsorb ng utak nya ang mga sinabi nito. Tuwang-tuwa na ang mga kaklase nila, samantalang wala pa ding rreaksyon si Kyle.

">.< ano ba yan Kai! tunaw na ko. hindi ka naman yata masaya e. babawiin ko na ang sinabi ko after one minute pag di kapa din kumibo jan. kainis talaga tong mokong na 'to! Hmmp..." - Milliene

Biglang natauhan si Kyle, napansin nyang tumalikod na sa kanya si Milliene kung kaya bago pa ito makalayo, niyakap na nya ang dalaga ng mahigpit. Humarap si Milliene kay Kyle at niyakap din ito... Maya-maya, para namang bata si kyle na hinawakan ang kamay ng dalaga at nagtatalon-talon sa sobrang saya. Nagkagulo na ang lahat, tuwang-tuwa din sila para sa dalawang bagong magkasintahan. Hanggang sa oras ng pag-uwi, hindi mabitaw-bitawan ni Kyle ang kamay ni Milliene, ayaw nyang matapos ang araw na iyon.

Sa unang yugto ng pagmamahalan ng dalawa, napakarami na ang mga humusga at pinilit silang paghiwalayin. Ngunit nanatili pa din silang magkasama. Hindi nila hinayaang masira ang tiwala sa isa't isa at hindi nawawala ang pagmamahalan.

Isang araw, napag-isipan nilang kausapin ang mga magulang ni Milliene para ipaalam ang tungkol sa kanila. Sumang-ayon naman ang mga magulang ni Milliene, hindi na din naman kase iba sa kanila si Kyle. Naging masaya ang pagsasama nila at naging isang pamilya ang magkabilang partido. Hanggang sa makatapos sila ng High School, napagpasyahan nilang pumasok sa isang University para na rin maaalagaan at mababantayan nila ang bawat isa. Pumasok sila bilang varsity player, at dahil sa parehong likas na magaling, madami silang nalikom na parangal. Gayundin, pinag-ipunan nila ang isang bahay para sa kanilang dalawa. Dito nila inilagay ang lahat ng parangal na nakukuha nila. Madami ang natutuwa sa samahan na mayroon sila. Kung minsan nag-aaway din sila pero hindi nila pinalalampas ang araw na iyon ng hindi sila nagkakaayos.

Apat na taon na ang lumipas, pero nananatili pa din silang magkasama. Nakatapos na sila sa kolehiyo, at nagkaroon na rin ng magandang trabaho kung saan nasusustentuhan na ang kani-kaniyang mga pamilya. Sa paglipas ng panahon, lalo nilang naaabot ang tagumpay na pinakaaasam-asam. Naging kontento na sila sa mga bagay na nakuha nila.

Isang araw, kinailangan nilang maghiwalay pansamantala para sa trabaho. Kung kaya bago nila mamiss ang isa't isa, naghanda ng isang napaka-romantic dinner si Kyle. Ang gabing iyon ay nakalaan para sa pagpopropose nya sa kasintahan. Nauna na sa restaurant si Kyle, pinili nya ang part ng garden kung saan kapag nagpropose sya ay ang langit at mga bituin naman ang makasaksi ng isa na namang napakahalagang gabi sa buhay nilang dalawa. Habang nakatingin si Kyle sa kalangitan, ay dumating na si Milline. Sinalubong nya ang dalaga at hinalikan sa pisngi, saka inalalayan para makaupo. Minabuti nilang kumain na muna. Habang kumakain, nagulat bigla si Milliene ng may makagat syang matigas na bagay sa pagkain. At nang ilabas nya'y isang napakagandang sing-sing ang kanyang nakita.

"Oy kai! Bakit may sing-sing yung pagkain? Hay naku. Sa Shef ata 'to, tara ibalik natin. ano ba yan pati pagkain nilalahukan nya ng sing-sing." - Milliene

Hinawakan ni Kyle ang kamay ni Milliene at...

"Mai... Will you marry me?" - Kyle

"Ha?" - Milliene

Kahit ganon ang sagot ni Milliene, nakangiti pa din si Kyle at hinihintay ang sagot nya.

"ano kase Kai... Bago ko sagutin yan, pwede bang humingi ng favor?" - Milliene

"oo naman. kahit ano, basta ikaw." - Kyle

"Pwede bang alisin muna natin ang communication natin ng isang araw? umm... walang text, tawag, emails, any kind of communication for one day, pwede ba?" - Milliene

"pero bakit? Alam mo namang hindi ako sanay ng ganun e. Matitiis mo ba akong hindi makatulog buong gabi kase hindi kita nakausap? iba na lang Mai." - Kyle

"Hindi pwede no. Yun ang gusto ko. Isang araw lang naman e. After un, punta ka sa bahay namin para malaman mo yung sagot ko. ^_^" - Milliene

"hmm.. andaya mo na ngayon ha. pero sige na nga. kahit hindi ako makatulog mamaya, basta after one day pupunta agad ako sa 'yo. Ano ba kaseng trip yan. haays..." - Kyle

"suuus... basta malalaman mo din. Alam ko namang pagbibigyan mo ko e. I love you, Kai. ^__^" - Milliene

"lika nga dito... hmmmp... I love you more, Mai. Ikaw lang at wala ng iba. Kung anuman yang trip mo ngayon na aalisin mo communication natin, kakayanin ko. Basta akin kana. Walang makakakuha sa 'yo. ^_^" - Kyle

"matagal na akong sa 'yo no. hindi mo na ko kailangang ipagdamot. Hindi naman ako makukuha ng iba. Baka ikaw pa nga jan ang makuha e. haha." - Milliene

At natapos ang dinner nila ng puro asaran lang. Inihatid ni Kyle ang kasintahan sa bahay nito mismo. Labag man sa kalooban nya ang kagustuhan nito ay kailangan nyang gawin. NAgbitaw sya ng pangako at ayaw nyang sirain yon. Mula ng mga oras na maihatid nya si Milliene, dumiretso sya sa bahay na pinag-ipunan nila. Hindi sya mapakali, hindi makatulog, naiisip nya ang dalaga, ang dahilan kung bakit iyon ang hiniling nya, naiisip nya kung gaano sya magiging masaya pagkatapos ng araw na iyon dahil alam nyang magpapakasal sa kanya si Milliene... Kulang na lang mabaliw sya sa kakaisip kay Milliene dahil iyon ang unang beses na nagkahiwalay sila ng walang komunikasyon na kahit na ano. Sumagi din sa isip nya, kung sakaling mawawala si Milliene ng matagal tapos walang komunikasyon na ganito, baka tuluyan syang mabaliw, ang isang araw nga hirap na sya, pano pa kaya kung matagalan na. Sa halip na mag-isip ng kung ano-ano, nilibang na lang nya ang sarili sa pakikinig ng musics, pagtitingin ng mga pictures nila nung Highschool pa sila, pag-alala sa mga bagay na nalampasan nila.

Sa kabilang dako naman ang isang Milliene na inilabas ang kanyang kahinaan na tinago ng kay tagal na panahon. Ang sakit na nararamdaman nya mula pa ng pagkabata ay hindi nawala. Oo nawawala sa isipan nya ang bagay na yon lalo na kapag masaya ang bawat tao sa paligid nya, pero hindi maikakailang hindi ito nawawala bagkos lumalala pa. Tanging ang mga magulang lang nya at siya ang nakakaalam nito. Nang gabing iyon matapos syang ihatid ni Kyle, dumiretso sya sa kwarto ng mga magulang at niyakap ang mga ito ng mahigpit. Kahit nahahalata sa kanya ang kahinaan pinilit nyang maiparamdam sa mga magulang ang higpit ng kanyang yakap at pinakita nya ang saya na nararamdaman nya ng mga oras na iyon. Alam nyang labis na masasaktan ang mga ito sa paglisan nya. Hindi alam ng mga magulang nya na iyon na ang huling araw nya. Lumabas na sya, at nagtungo sa kanyang kwarto, napaluhod sya pagkasara ng pinto, umiyak dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. Ayaw nyang iwan ang mga taong nagmamahal sa kanya. Hindi nya lubos maisip na darating pa rin pala ang oras na iyon. Pinilit nyang makatayo, inilabas ang lahat ng mga litrato nilang magkakaklase pati ni Kyle. Kahit mahina na sya noon, pinilit nyang gumawa ng isang scrapbook. Pinunasan nya ang mga luha, pinilit na ngumiti habang ginagawa ito. Masaya sya sa dami ng nangyari sa buhay nya ay nalagpasan pa din nya ang bawat problema, na nakayanan nyang itago at maiwasan ang pag-aalala ng mga kaibigan tungkol sa kanyang sakit, na kahit ganong may karamdaman sya ay nabigyan padin sya ni God ng chance mabuhay ng normal gaya ng iba.

Sa natitirang isang minuto, masayang-masaya si Kyle. Handa na syang pumunta sa bahay ng dalaga para malaman ang sagot nito at mapagplanuhan na ang mga bagay na dapat gawin. Excited na excited syang lumabas ng bahay at nag-abang ng masasakyan.

Samantala, natapos na ni Milliene ang scrapbook, sobrang pagod na sya, kung kaya nahiga na sya sa kama nya para makapahinga. Unti-unti nyang ipinikit ang mga mata, at kasabay nito ang mga luhang muling dumaloy sa kanyang mukha. Oras na para sya ay magpahinga.

Gabi na ng makadating si Kyle sa bahay nina Milliene. Sa labas pa lang ay puno na nga mga tao ang bahay. Nakita pa nya ang mga katropa nila at ibang kaklase. Ngumiti sya sa mga ito. Tumatakbo sa isipan nya na baka ibinalita ni Milliene na nagpropose sya dito. At sa pagpasok nya sa loob ng bahay, tumambad sa kanya ang mga luhaang mata ng karamihan sa tropa nila, ang mga magulang ni Milliene na humahagulhol pa, at sa tapat nya, ang isang puting bagay. Napaluhod sya sa nakita. Labis syang nanghina tumawa sya ng mahina at sinabing...

"anong trip 'to? joke lang to diba? sabihin nyo sa akin, trip na naman ba to ni Mai? asan ba yung babaeng yon? Lagot sya sa akin, trip na trip nya ako. Hindi na ako natutuwa." - Kyle

"Kyle anak, halika." - mama ni Milliene

Inalalayan ng mama ni Milliene si Kyle a makatayo at papunta sila ngayon kay Milliene. Natulala si Kyle, unti-unti ng pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata. Niyakap nya ang kabaong ni Milliene. Labis syang nasasaktan sa nangyari. Parang unti-unti syang pinapatay ng makita nya ang taong pinakamamahal nya.

"Ang daya mo talaga, Mai. Nakakainis kana talaga. Sabi mo isang araw lang. Ginawa ko yun kahit labag sa kalooban ko. Alam mo bang hindi ako nakatulog mula ng ihatid kita dito? Kulang na lang mabaliw ako sa isang araw na hiniling mong 'yon. Alam mo ba na ilang beses kong binalak magtext, tumawag at mag-email sa yo pero hindi ko magawa kase baka magalit ka, kase baka sabihin mong hindi ko tinupad ang pangako ko, kase baka hindi mo ako pakasalan. Sana man lang sinabi mo sa akin yung tungkol dito para napaaga ang pagpoprose ko. Sana sinabi mo para hindi lang yung dinner na yun ang nagawa ko. Sana nalaman ko agad para hindi na kita inaway noon. Sana lang alam ko ang tungkol dito para nasamahan kita o nadamayan kapag may sumasakit sa 'yo. Sana nandito kapa, Mai. Sana nakikita mo kung gaano ako  kasaya na sa wakas mapapakasalan ko na ang babaeng pinakamamahal ko. Sana lang..." - kyle

Umiiyak pa din si Kyle. Hindi sya umaalis sa tabi ni Milliene. Labis nyang pinagsisisihan ang mga nngyari. Subalit ano pa nga bang magagawa nya kung huli na ang lahat. Tumabi sa kanya ang mama ni Milliene at iniabot ang scrapbook na ginawa nito.

"Ipinabibigay nya ito. Nakita na yan ng mga kaklase nyo, pero nakareserve yung last page para sa 'yo. Sobrang mahal na mahal ka ni Milliene. Salamat Kyle, kase naiparamdam mo sa kanya ang mga bagay na matagal na nyang hinahanap." - mama ni Milliene

Binuksan nya ang scrapbook. At muli na namang nagsimulang pumatak ang kanyang mga luha. Parang sinasaksak ang puso nya sa bawat picture na makikita nyang nakangiti si Milliene. Ang mga bagay na inalala nya nung gabi matapos ang dinner nila, ay ang mga pictures na nasa scrapbook. Iisa ang iniisip nila ng gabing iyon. At yun ang lalong nagpalungkot sa kanya. Nasa huling page na sya. Isang sulat ang nakadikit rito.



My Bestfriend and Lover Kai,
Sorry ha... Ang daya ko na naman di ba? Ang unfair ko pa sa 'yo. Madaya ako kase hindi ko sinabi agad yung sagot ko nung nagpropose ka. Unfair ako kase sinarili ko 'to. Hindi ko inisip na sa dinami-dami ng napagdaanan natin baka pati ito pwede din nating malampasan ng sabay. Sorry if I cause you too much pain. Kahit ako nasasaktan. Ayoko kayong iwan, lalo ka na. Ikaw na naging kapatid ko, bestfriend, tropa, boyfriend, at soon to be my husband. Gustong gusto kitang pakasalan. Pero para saan pa kung sinabi ko to sayo nung time na yon, mawawala din naman ako agad e. Sorry talaga Kai, nagdecide akong mag-isa.
Alam mo ba, habang ginagawa ko 'tong scrapbook natin, sobrang saya ko. Ang dami nating memories mula nung bata pa tayo. Kaya maswerte din ako, kase hindi ako hinayaan ni God na umalis sa mundo ng hindi nararanasan ang mga bagay na nararanasan ng isang normal na tao. Kapag masaya ako, hindi ko na naiisip ang sakit ko. Kapag anjan ka, nagiging ok ako. Ikaw at ang parents ko ang nagiging strength ko sa tuwing nahihirapan ako dahil dito.
Kai, salamat sa lahat-lahat. Alam kong binging-bingi kana sa word na to pero gustong gusto kong magpasalamat sa 'yo. Sobrang dami mong ginawa para lang pasayahin ako, awayin ako, paiyakin, patawanin, at kung ano-ano pa. Sa lahat ng mokong ikaw ang pinaka-makulit, pinaka-gusto ko, at pinaka-mamahal ko. Ikaw lang naman kase ang nag-iisa kong mokong. ^_^
Alam ko sa una masakit ang pag-alis ko. Pero nakaya mo naman diba? Nagawa mo naman yung 24 hours na wala tayong communication. Pwede mo bang gawin yun araw-araw?
Hanggang dito na lang ako Kai, kahit wala na ako, mahal na mahal pa din kita. Ako naman ang magbabantay sa 'yo. Kapag nambabae ka ng di nagpapaalam sa akin, gagapangin kita. Hehe, joke lang yun. Smile kana... Ayokong makitang umiiyak ka. Magkikita pa naman tayo e. Basta ipagpatuloy mo lang ang buhay mo dito, kaya kong maghintay sa kabilang buhay kahit gaano pa katagal. Ingat ka palagi ha? I will miss you sooooo much... ^__^

-Your love, Mai :)