Hindi naman
ako insensitive. Sadyang ayaw ko lang talaga na makikita mo na mahina ako o
apektado sa isang sitwasyon. Hindi mo alam kung gaano kahirap magkunwari sa
harap ng maraming tao, maipakita lang na ok ako at patuloy lang ang buhay. Hindi
mo alam kung gaano ka katagal namamalagi sa utak ko. Wala kang ideya sa lahat
ng pinagdadaanan ko. Kaya wala kang karapatang sabihan ako na walang kwentang
tao dahil wala ka namang alam.
Dalawang
taon na akong nanunuyo sa ‘yo, mapa-personal o sa panaginip. Ang dalawang taon
ko ay punong puno ng kalungkutan dahil wala ka. Hindi ko naman sinasadyang ganon
ang itrato sa’yo. Maraming beses ko ng ipinakitang nagsisisi ako. Pero bakit
hindi mo pa rin maibigay sa akin ang isang bagay na ikatatahimik ng puso’t
isipan ko? Sa bawat araw na dumadaan, palagi kong hinihiling sa Diyos na sana
magbago ang isip mo. Na sana dumating din yung araw na kakausapin mo ako, yung
magkakaayos tayo. Yun lang naman. Hindi ko na hinahangad na magkabalikan tayo,
pero yun man lang magkaroon tayo ng peace of mind, maayos at matanggal natin
yung gap sa pagitan nating dalawa, ok na sa akin yun.
Mahirap
ba yung hinihiling ko? Haay… Ano pa bang dapat kong gawin para mabigay mo yun
sa akin?
Sa lahat
ng mahirap intindihin, kayong mga babae ang pinaka. Mas malala pa kayo sa
mathematics equation, sa calculus, geometry at trigonometry. Kahit anong pilit
kong gawin para maunawaan kayo, dumarating pa din yung time na kusa akong
susuko at sasabihing, “Ewan ko sa ‘yo”. Pero hindi ba parang ang unfair? Bakit
kaming mga lalaki lang ang dapat umintindi? Hindi ba pwedeng kayo naman ang
umintindi sa amin? Kayo namang mga babae ang manuyo. Kayo naman ang
paminsan-minsang mag-effort. Kase kung magagawa nyo yun, hindi naman kami sira
ulo para hayaan kayong magmukhang tanga kung para sa amin ang ginagawa nyo. Ano
sa tingin mo? Ikaw na nagbabasa ngayon nitong sinulat ko, kaya mo bang gawin
yun? Intindihin ang taong mahal mo hanggang kaya mo.
Pride. Yan
naman palagi ang umiiral sa karamihan sa atin kaya ganito ang nagiging resulta.
Hindi naman tayo sasaya kung puro pride lang diba? Well, kung sasaya man tayo
dahil sa pride siguro saglit lang. pero ang hirap lang talaga e. ang hirap na
yung mahal mo ay mas malaki pa sa kanya yung pride niya. Mababalian ba ng buto
kapag binaba ang pride saglit? Mahirap ba talagang ibaba ito lalo na kung para
sa taong mahal mo? Bakit?
Ewan ko
sa ‘yo. Ewan ko sa inyo. At lalong ewan ko sa sarili ko. Wala na akong
maintindihan. At mukhang walang makakaintindi sa nararamdaman ko. Wala na atang
patutunguhan ang buhay ko talaga. Alam kong maikli lang ang buhay ng tao, may
naisip tuloy ako. Kung gagawin ko ba yung nasa isip ko, ibibigay na niya yung
hinihiling ko? Kung bigla ko kayang iparamdam sa kanya na mawawala na ako,
hahabulin niya kaya ako, magkukusang lumapit, at sya naman ang gagawa ng effort
para magkaayos kami? Haays. Natutukso akong gawin yun.
Alam mo
yung pakiramdam na sa tuwing makikita ko syang masaya sa iba, sobra sobrang
sakit naman ang tumatama sa akin pero may side pa din na masaya na din ako para
sa kanya, yung ngiting hindi ko na nabibigay sa kanya ngayon ay nabibigay na ng
ibang tao. Yung pakiramdam na kapag nag-iisa na lang sya at nakatingin lang sa
mga ulap, lalo akong nahuhulog sa malalim na patibong ng pag-ibig, mas lalo ko
pa syang minamahal. At yung pakiramdam na pag nakita ko syang umiiyak, kahit hindi
ko alam ang dahilan, mas doble yung sakit na nararamdaman ko. PUCHA! At sa oras
na malaman ko kung sino ang may gawa, hindi ako nagdadalawang isip, uupakan ko
kaagad. Kung malakas ang tama ko sa kanya dati, mukhang mas malakas yung ngayon.
At sa pagdaan ng panahon, lalo lang itong lalala tulad ng isang cancer na hindi
na kayang agapan pa ng kahit anong klaseng gamot.
Hindi lang
ako parang natalo sa sugal, para akong ninakawan at sinunog pa yung natitira. Buhay
pa ako, pero nakakamatay na ang nararamdaman ko. OA man pero yun ang alam kong
tamang salita para masabi kung ano ang nararamdaman ko. Hindi ko maikwento sa
inyo kung gaano kami kasaya noon. Ayoko ng isipin. Pero patuloy pa ding
nagpaflashback sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata. Hindi ko kayang
balikan ang masasayang araw na yun ng aking buhay. Ayokong paasahin pa lalo ang
sarili ko na maaayos ulit ang lahat. Ayokong lokohin ang sarili ko at sabihing
ayos lang ako. Ayokong isiping isang araw magiging ok ako. Dahil ang totoo, hinihintay
ko lang na kusang mapagod ang utak ko kakaisip sa kanya, kusang mapagod ang
puso ko pagmamahal sa kanya, at mapagod ang katawan ko sa mga bagay na ginagawa
ko kung ano ang maisip ko.
Mawala man ang sakit na ito, siguro ay sa
panahong wala na din ako sa mundo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento