That was my birthday. Masaya akong sobra. PROMISE!
Hindi ako nag-eexpect ng kahit na anong surprises pero yung mga tao sa paligid ko ang gumawa ng paraan para lalo akong mapasaya. Sa company, nagcelebrate ako kasama ang mga technicians, at OIC namin. Sila yung nanlibre para sa akin. Sinabi ko kase na wala akong pantreat sa kanila kase wala akong pera. Pero maya-maya, sila na yung naglabas ng pera. Softdrinks at chichirya ang handa nila. Hahaha... Ang kukulit nila. Kahit birthday ko, hindi ako pinaligtas sa mga pang-aasar nila. Mas matindi pa nga ngayon e.
Tapos continuation ng celebration sa bahay kasama ang mga HS friends. Sa dami ng mga kwento nila, sobra sobra din akong napatawa at napasaya. Kaya naman nung umuwi sila, nakaramdam na ako ng pagod at nakatulog na.
Hapon, nakauwi na ako ng bahay. Nagpaalam ako saglit sa nanay ko na mag-iinternet sa comshop. Nagbukas ako ng facebook account at tiningnan ang regalo ni Snorlax. Napa-HUH??? ako, kase excel file yung nandun. Naisip ko, ano na naman kayang pakulo nito. Haays... Habang nagloloading yung file, ewan ko kung bakit pero kinakabahan ako. Nang mabuksan na, may instruction muna, tapos andaming question marks. AYT! Adik lang talaga yun. Pero nung ma-enter ko yung pangalan ko sa A2, lumabas na yung mga message nya sa column C.
"
Almost 2 years na tayong magkakilala |
Ang dami na nating naibahagi sa isat isa |
Marami akong dapat ipagpasalamat sayo |
Kaya ngayong birthday mo |
Ito ang naisip ko na gawing regalo |
nakakasawa na kasi yung powerpoint ^_^ |
UU nga pala happy birthday |
Di ko alam kung magiging masaya ka sa naisip kong ito |
Sana maging masaya ka ngayong kaarawan mo |
Basta alam mo naman na mahalaga ka sakin ^^ |
Huli kong sasabihin sayo nasa column D :P |
Unhide mo muna yung column D" |
Pagka-unhide ko, eto ang biglang lumabas:
Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko nung mga oras na yon. Nanginginig ang mga kamay ko sa sobrang kaba. Natulala ako saglit sa monitor ng PC. Maya-maya may luha na pala sa pisngi ko. haaaays... Yung mokong na yon.. Pinaiyak na naman ako. Pero hindi dahil sinaktan ako, kundi dahil sa sobrang saya ko. Ewan ko ba kung bakit sobrang babaw ng luha ko. Natouch talaga ako sa mga sinabi niya. At nung oras na yon, nagpasalamat ako sa kanya. Lumuluha pa din ako habang nagtatype. Sinagot ko din sya non. Magpapaligoy-ligoy pa ba ako? E mahal ko naman sya kaya pumayag na din ako. Hanggang sa makauwi, hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Ang sarap lang sa pakiramdam. Oo hinihintay kong makipagbalikan sya pero hindi ko talaga inexpect na gagawin nia yun sa mismong bday ko. Ang wish ko lang pag nagbbday ako, maging maayos lahat ng mga mahal ko sa buhay at makasama sya next time. Haaays... kelangan ko lang sigurong maghintay at mangyayari din yung wish ko na yun. POSITIVITY! ^_^ Ang sarap sa pakiramdam na mahal ka na talaga ng taong mahal mo. At wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam na madaming nagmamahal sayo. ^______^ |