Huwebes, Agosto 1, 2013

Realization # 5

Ngayong araw na 'to, ok naman kahit papano.
Nakaraos ang buong maghapon na hindi ko sya nakakausap.
Pero may natanggap akong message mula sa pinsan nya, mapula daw ang pisngi nya.
Haaays... Mukhang nasampal daw ata. Nainis ako ng konti kung totoo man yung nangyare.
Pero inintindi ko na din yung sitwasyon ng babaeng nanampal.
Nakakainis lang sinasaktan sya ng ganun, napakaunfair kase kahit na biktima lang sya, sa huli sya pa din ang lumabas na masama. HAAAAAYSSSS.....


Deep inside hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
May inis na may halong selos.

Una, naiinis ako sa babaeng nanampal.
Pangalawa, naiinis ako sa kanya kase hindi sya makausap ng ayos kapag nagkatopak na.
Pangatlo, naiinis ako kase hindi niya sinasabi saken para nadadamayan ko sya. Ano pang silbi ko sakanya, dba?
Pang-apat, naiinis ako na hindi nya mapansin kung sino ang mga nagkakagusto sakanya.
Panglima, naiinis ako kase porke umiiyak ang babae sa harapan niya, hinahayaan na lang nya kung ano ang gustong gawin sakanya.

haaaaayssss...

Nagseselos ako kase...

Una, yung babaeng nanampal ang nakakasama nya.
Pangalawa, yung babaeng yun ang napapagkamalang gf niya.
Pangatlo, pumayag sya na magpahalik sa babaeng yun.
Pang-apat, may ganun pa silang eksena, sampalan, halikan, dramahan...

Ay ewan!
Nawiwindang ako sa kanya...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento