Miyerkules, Hulyo 31, 2013

Realization # 4

"naantok ulit ako... the sweetest quote i've heard

simply... when she says "iloveu" nothing more nothing less

goodnight
oyasuminasai minna san desu"

----> MY SNORLAX


Sa wakas, nagparamdam din sya. ^_^

Akala ko paaabutin niya talaga ng 1-2 weeks bago magparamdam ulit e.
Buti na lang hindi nya ako matiis. 
Haaays.. Ang dami ng nakakapansin ng pagiging inlove namin. CHOS!
Pero keri lang, hindi naman namin tinatago e.


Ang sarap lang sa pakiramdam na mahal ka ng taong mahal mo.

Na gusto ka ng taong gusto mo.
Na crush ka ng taong crush mo.
Na pinahahalagahan ka ng taong pinahahalagahan mo.
At higit sa lahat, na gusto ka ding makasama ng taong gustong gusto mong makasama.


Haaays... Itong araw na 'to,  kahit na maghapon akong may sakit nakuha ko pa ding tumawa, magpatawa, at makisama sa mga biruan. Noong una pilit lang lahat. Pero nung makita ko yung text nya... OVER! Feeling ko gumaling ako bigla. Hehe..



Sabi nila, kung ano daw ang gusto mong mangyari,

isipin mo lang at samahan ng paggawa,
maghintay ka lang at makakamit mo din yun. :)

Well, just think positive.

Tiwala lang. 
Makukuha mo rin ang gusto mong makuha.


Kung hindi man umiikot ang mundo mo ngayon base sa kagustuhan mo,

maghintay ka lang, magkakaroon ka din ng pagkakataong paandarin ang sarili mong mundo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento