Alam mo ba yung feeling na kahit walang kwenta ang usapan ninyo,
basta sya ang kausap, ok na ok na sa 'yo...
Masaya kana kase, SYA yun e...
May time syang binigay sa 'yo...
EFFORT yun!
Minsan kase kahit effort lang ok na sa 'ken,
at least kahit papano napaglalaanan nia ako ng oras nia.
Ang sarap lang sa pakiramdam na kahit gaano ka pa ka-busy,
andyan pa din sya lagi para sa'yo,
alam mong busy din sya pero nasisingit pa din sa oras nya yung pangangamusta sa'yo,
pakikipagkwentuhan ng mga nangyare sa buong maghapon,
pati mga jokes na korni na minsan pero natatawa kapa din,
lalo na yung panlalambing nia na magpapangiti talaga sa'yo.
Haaaays....
Sa simpleng mga bagay na ginawa mo, sobrang nagpapasalamat na ako.
Alam mo yan. Araw-araw ko na lang ata ginawa ang magpasalamat sa 'yo.
Binging bingi kana siguro. Hehe
Tulad ngayon, mukang magpapasalamat na naman ako.
Ewan ko ba, sa tuwing naiisip ko yung mga nangyari, nagmumukha akong ewan.
Hindi kase ako makapaniwala.
Hindi ako makapaniwalang kahit ganito ako,
hindi katalinuhan, hindi din kagandahan,
at lalong hindi kaputian, e pinili mo pa din ako.
Andyan kapa din.
Hindi ka nagsasawa sa paulit-ulit kong mga sinasabi.
Hindi ka din nagsasawang magshare ng mga nalalaman mo.
Hindi ka din napapagod mangulit at umintindi sa mga kakulangan ko.
Salamat ha...
Salamat talaga...
Salamat ng maraming marami...
^___________^
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento