What makes some people important?
Is not just the happiness that you feel when
you meet them but, it’s the pain you feel when you miss them.
People do change, time goes pass by, but the
feelings I kept in my heart never changed. Maybe I may stop doing crazy things
but it doesn’t mean I forget you or not love you; I’m just tired of pretending
that I can stay cool as what you are expecting for. I’m just tired of showing
but I’m not tired of loving you. Loving you is the only thing I can do whether
you like it or not. Even you push me away; still my heart belongs to you. I
don’t even care if they call me martyr, I just can’t help myself from falling
in love to you. Will you accept me in the end? I’m willing to wait even if it
takes forever.
Ry’s POV:
It
all started with a joke. Hindi ko naman akalaing tototohanin ko. Ang alam ko lang
sa bawat araw na lumilipas, mas lalo akong nahuhulog sa patibong na ginawa ng
mga kaibigan namin.
By
the way, I’m Ry. A guy who falls in love to a girl who act like a boy, but I
know beyond her action is a kind-hearted girl hiding inside. She is a precious
gem I’m taking care of.
I
was a third year high school student that time. Palagi ko syang nakikita pero
never kong pinansin. Malimit kaming magkasalubong sa may hallway.
Nagkakatinginan kami minsan, pero hindi kami nagbabatian. We’re both stranger
to each other. May mga babaeng niligawan ako, pero bigo ako palagi. Maghihintay
ako ng matagal, pero in the end pinaasa lang ako.
Until I meet someone, I thought sya na
talaga. She was my first love. Lahat ng panunuyo ginawa ko na, alam kong first
timer ako pero naging totoo naman ako sa kanya. Hindi ako ang first love nya.
Hindi ko nga alam kung pang-ilan ako e. Pero kahit naman ganon ang nangyare,
minahal ko pa din sya. I thought totoo din yung mga pinakikita nya sa akin.
Sinagot nya ako. Ilang buwan pa lang kami nun, saka lang sya umamin na mahal pa
nya yung ex nya. Ano pang silbi ko? I let her go. Masakit? Oo, sobrang sakit. Hindi ko alam kung
paano ako nakatakas sa sakit na yun. Hindi ko alam kung paano ko natulungan ang
sarili ko. Sa tuwing makikita kong masaya sya sa ex nya, naiinggit ako kasi
hindi ko sya napasaya ng katulad nun.
Hanggang isang araw, nakasalubong ko ang
isang kaibigan, may iniabot sya sa aking cellphone number. I saved it in my
phone. I wonder why she gives that number. Hindi ko naman kilala. Pero bakit ba
ko nagpapakatangang mag-isip ng ganito, e pwede ko naman itanong sa kaibigan
ko.
It was Saturday afternoon when I received a
text from my friend who gives Anel’s number. Yeah, Anel is the owner of that
number.
1 message received
From: Karen
Oy
pare! Tx muna ung # na binigay ko sayo.
Bagong gising sya ngayon. Hehe. Nagtext na
saken. Goodluck. =)
I
just ignore Karen. But then, parang may sariling isip ang mga daliri ko.
Nagtatype na ko ngayon, mang-gu-goodtime ako pero magpapakilala naman sa
totoong pangalan.
To: Anel
Hi! Kumusta ang tulog?
Message sent…
Napatitig ako for a while sa screen ng
cellphone ko. Magrereply kaya sya? Sana magreply para naman may makulit ako.
Maya-maya lang may nagtext na naman sa akin.
From: Anel
Huh? Paano mo nalaman?
Kita mo ba ko? Ska, cno ka?
Natawa
naman ako sa text nya. Siguro tumitingin na ‘to sa paligid nya para mahanap
ako. Paano ba namang hindi, e ikaw ba namang itext tapos alam na bagong gising
ka. Hahaha. At eto ang naging conversation namin sa text:
Ako:Wala lang. hula ko lang. aq nga pala c
Ry.
Anel:Who’s Ry? Pano m nakuha # ko?
Ako:Ry, 3rd year, sa kabilang
building ung room nmen. Section B. ikaw b ung section A? my nagbigay lng ng #
mo.
Anel:Ah ok.humanda saken ung nagbigay sayo ng
# ko.
Ako:Hala! Galit? Wag ganyan, papanget ka.
Anel:HEH! Matagal na kong panget. Tss. May
kailangan kaba saken?
Ako:Ano kase…ahm…gusto ko lang
makipagkaibigan. Pwede ba?Sori na. di ka nmn panget e
Anel:Ok, friends. Xenxa natarayan
kita.hehe.my magulo lang akong katabi kaya napadamay kpa. Sori din. =)
Mula
ng araw na ‘yon palagi na kaming nagkakatext. Masaya. Ang saya nya palang
kaclose kahit sa text man lang. Ang bait pati nya, hindi sya namimili ng
kakaibiganin. Basta may lumapit sa kanya, tinatanggap nya. Pagdating ng Monday,
excited akong pumasok. Gusto ko syang makita. Hindi ko alam kung bakit sumaya
ako bigla at naexcite ng ganito. Simple lang naman yung naging usapan namin sa
text e. At dahil palipat-lipat kami ng room bawat subject, malaki ang chance na
magkasalubong kami. This time, babatiin ko sya. Tapos na ang first period,
lumabas agad kami ng tropa ko, kinuwento
ko sa kanila si Anel. Habang naglalakad pababa ng hagdan, malayo pa lang
nakikita ko na sya. Nakangiti sya kasama ang mga kaklase nya. Nakita kong
naghaharutan sila, tawanan, tapos sinuntok nya bigla yung kasama nyang lalaki
saka tumawa. Ano ba yan! Baliw na ata tapos parang amazona pa.
Toper:pardz! Tunaw na.
Magic:oo nga pardz. Tingnan mo parang lalaki
kumilos.
Toper: aba pardz! Galaw-galaw, baka mastroke.
Ako: h-ha? Anong sinasabi nyo?
Magic:nakanakz! May tama kana ata kay Anel
ah. Nakita mo lang di ka na makagalaw jan. humanda ka pardz mukang amazona yang
magiging gf mo.hahahaha
Ako:anong pinagsasabi mo? Baliw mo pardz! Di
ko pa naman nililigawan gf agad.
Toper:aba… hindi pa daw oh, HINDI PA. ibig
sabihin may balak. Hahaha
Sila
ang mga bestfriend ko. Advanced masyado kung mag-isip. Pero bakit nga ba ko
natigilan kanina? Haaay, hindi ko din alam. Naglakad na ulit kami, malapit na
sya sa amin, makakasalubong ko na sya, kaso biglang bumalik sa room na
nilabasan nila, may naiwan ata. Haay ano ba yan. Akala ko naman makakasalubong
ko na. napayuko na lang ako, hanggang sa makarating sa tapat ng room. Nasa may
corridor na ako nang may nakasalubong na babae, di ko alam kung sino kase
nakayuko pa din ako. Teka, bakit ganon? Kahit saang side ako pumunta, dun din
sya. Para kaming nagpapatentero. Tsk! Naaasar na ko. Tiningnan ko kung sino
yung babae at…
O.O - ako
s-si… A-Anel.. napatigil ako bigla. Hindi ako
makagalaw. Tumingin sya sa akin at…
^__^ - anel
Totoo ba ito? Nginitian nya ko? Teka,
panaginip lang yata to e. nasan na ba mga kolokoy kong kasama, bakit naiwan ata
ako dito mag-isa. Pero… ngumiti talaga sya. Sabi ko pa naman ako ang unang
babati sa kanya kaso… haaaays…
Toper: pardz!! Haha… nakakatawa ka kanina.
Nakikipaglaro ka ng patentero dun sa babae. Tapos natulala ka lang sa kanya,
hahaha… si anel pala yun. Hindi kana nahirapan batiin sya, kaya lang baliktad
pare. Ikaw pa yung nangitian. Hahahahaha
Ako: =__= sige tawanan mo lang ako. Tara na
nga umupo.
Haaays,
mula ng mangyare ‘yung insideteng yon, tumitingin na ko sa dadaanan ko. Aba,
nakakahiya kaya pag naulit yun. Buti na lang talaga mabait si Anel, malayong
malayo sa text na natarayan ako. Lumipas pa ang mga araw, nagkakangitian kami
pero wala pang pormal na pagpapakilala pero mukha namang kilala na nya na ako
yung nakakatext nya. Ok na siguro kahit di ako magpakilala mismo sa kanya, saka
sinasabi ko naman sa kanya sa text na ako yung nakakasalubong nya minsan at
ngumingiti sa kanya.
After
2 weeks, I really enjoyed texting her. Nagkakausap na din kami minsan, though
nahihiya ako pero sige pa din. Basta kasama ko yung dalawang kolokoy nawawala
ang hiya ko. Then, walang klase ang mga 3rd year for some reason,
nakita ko sya kasama ni Karen at ng mga classmate nito. Si Karen is 3rd
year din, section D nga lang at etong klase nila ang kasama ni Anel ngayon.
Nakaupo sila sa may gym, take note, sa semento mismo. Haays, ang simple talaga
ng babaeng ‘to. Wala man lang arte sa katawan. Unlike other girls na may
make-up, may mga accessories na mamahalin, at maarte. Ibang iba sya. Sobrang
plain at natural nya. Masasabing totoong
tao talaga.
[So alien pala yung iba?hahahah]
Lumapit
kami ng mga bestfriend ko sa kanila. Malayo pa lang tinawag na kami ni Karen at
pag lapit namin pinaupo nya kami sa tabi ni Anel. Medyo nahihiya ako, pero
hindi ko pinahahalata. Ngumiti na naman sya sa akin. And I can’t help myself
from smiling sweetly. Kinakabahan ako masyado ngayon. Hindi ko maintindihan,
basta pag malayo pa lang natitigilan na ko tapos pag palapit na sa kanya
sobrang kabado na ko. Haaays, anong ibig sabihin nito?
Anel: ui! Kaw pala yung nagtetext sa akin.
Hehe
Ako: ah, oo e. hehe
Anel: ikaw ha! Stoker kaba? Bakit alam mong
bagong gising ako nun?
Ako: ha? Wala naman. Nagkataon lang na tama
ang hula ko.
Karen: ahemm…
Toper: anel, kinakamusta ka nga pala ni
pardz. Hihi.
Anel: oh? E bakit parang kinikilig ka toper?
haha
Lahat: hahahahahahaha
Baliw
din palang bumanat ‘tong babaeng to. Nakakatawa sya. Ang sarap pakinggan ng
tawa nya. Infairness, malakas syang tumawa. Sa lahat ng kasama namin, tawa nya
ang nangingibabaw. Pero kahit ganun, mas lalo akong natutuwa sa kanya. Hindi
sya nahihiyang tumawa ng ganon kahit alam ng iba nakakaturn-off daw sa babae
yung malakas tumawa. Para sa akin hindi naman sya nakaka-turn off e. nakakatawa
pa kamo.
Lumipas
pa ang mga araw, at lalong nagiging masaya ang mga nangyayari hindi lang sa
buhay ko kundi pati mga tao sa paligid ko. Ngayon, magkakasama naman kami ng
mga kaklase ko, nagbibiruan, nagtatawanan, at naghahabulan pa yung iba. Wala na
naman kasing klase hanggang sa mag-uwian kaya ganito kami. Madaming tao sa gym,
naghihintay lahat na mabuksan ang gate. Napatingin ako sa part kung saan una
kong nakatabi sa pag-upo sa gym si Anel, at nakita ko sya dun kasama ulit ang
mga kaklase ni Karen. Nakakapagtakang mas close sya sa ibang section kesa sa
mga kaklase nya. Anyways, lumapit kaming tatlo sa kanila, as usual tumabi ulit
ako sa kanya. Napansin naman ng mga kaklase ko na nagkakasiyahan kami dun kaya
nagsilapitan sila at nakiupo na din. Bumuo kami ng isang malaking bilog para
magkakaharap kaming lahat. Napansin ko naman na close din pala sa section namin
si Anel, andami nyang kakilala at yung ibang mga bago sa paningin nya nakaclose
din nya agad kase binibiro sya ng mga ‘to. Hindi na ko magtataka kung dadating
ang panahon na madaming magmamahal sa kanya. Napapatawa ko din sya kung minsan.
And aminado akong hindi malayong mahulog ako sa kanya. Nabuo ang tropa ng
dalawang section dahil kay Anel. Ewan ko ba, sya lang nakikita kong dahilan
kung bakit nagkasama-sama kami. Sobrang gaan ng loob namin sa kanya.
Hindi ko pa nga pala nasasabi sa inyo, nasa
higher section si Anel. Oo, section A sya. At sa lahat ng tao sa section nila,
sya lang ang nakikihalubilo sa amin minsan kasama nya yung pinsan nya pero
madalas sya yung nakakasama namin.
Araw-araw akong umuuwing masaya dahil siguro
sa kanya. Walang araw na hindi ko sya nakikita at nginingitian. Hanggang isang
araw, narealize kong I’m fallen for her. Mabilis masyado pero madali kasi syang
mahalin. Naglakas loob ako kahit sa text man lang masabi ko ‘to. Kaya nung
gabi, tinext ko sya. Good thing may load sya.
Ako: pwede ba tayong mag-usap sa tx ngayon ng
seryoso?
Anel: aysus… bakit kaya? Nakakakaba ha. Peo
sige.
Ako: my sasabihin ako sayo.
Anel: ano?
Ako: pwede ba kitang ligawan?
Anel: joke yun? Hahaha…
Ako: seryoso. Hindi ako nagbibiro.
Anel: ah.. ganun? Ano.. wag ako..
Ako: basta liligawan kita sa ayaw at sa gusto
mo.
The
next day, parang walang nangyari. Walang nagbago sa pagtrato nya sa akin. Tanghali
noon, kami ang sunod na gagamit sa room na nilabasan nila, nakasalubong namin
syang mag-isa, naiwan sya ng mga kasama nya. At dahil may kasama akong kolokoy,
hinarang nila si Anel, tutulungan daw nila akong sabihin yung magic word. Haay
naku, mga bugok talaga. Nakita ko na sya. Mejo nagmamadali, kaso hinarangan na
sya ng mga bestfriend ko.
Toper: oy pardz!
Anel: oh pardz! Anong meron?
Magic: may sasabihin lang daw c papa sayo.
Anel: ano yun Ry?
Ako: a-ano… ahmm… a-
Toper: ako na nga magsisimua. I-
Magic: l-lo-lov-…
Anel: huy! Pwedeng mamaya na? malapit na
magsimula ang klase namin. Sa 2nd floor pa punta ko. Mga kumag na
to.. hindi nmn ata importante.
Toper: pardz mamaya kana pumunta dun. Dipa
kami tapos.
Anel: pardz, mamaya na lang talaga pwede?
Buti kayo jan lang room nyo. Maawa kayo sa akin, tatakbuhin ko pa oh. Layo pa.
Bago
pa ulit kami makaangal nakaalis na sya, at take note, tumakbo nga sya. Ang
kulit nya talaga. Hehe. As usual palpak kami. Napabulong na lang ako sa sarili
ko ng ‘I LOVE YOU ANEL’. Haays.
Pagdating
ng hapon, nasa harap kaming tatlo ng room nila at iniintay sya. For the first
time, sasabayan ko syang pauwi. Kahit mas malayo ang bahay namin kesa kanila,
ok lang na hintayin ko sya mahalaga sabay kami. Maya-maya lang lumabas na sila.
May mga kasabay sya pauwi pero pinahuli nila kami ni Anel. Nakaramdam ata ng
something, hehe. Samantalang yung mga bestfriend ko aba mukhang nakabingwit ng
chicks. May paakbay-akbay pang nalalaman. Gusto ko din akbayan si Anel kaso
baka naman masapok ako nito. Mukha naman kasing hindi ‘to nagpapahawak ng
basta-basta. Pero ok lang, nirerespeto
ko sya kaya dapat lang na wala akong gawin sa kanya ni hawak sa buhok nya.
Hehe. Nakita ko na syang sumakay sa tricycle kaya panatag ang loob kong
makakauwi sya ng maayos.
Nagpatuloy
lang ako sa ganong gawain, kulang na nga lang ako ang maghatid sa kanya pauwi.
Pero syempre hindi pwede yon. Isang araw naisip kong ako ang magbayad ng
pamasahe nya pag umuuwi ng di nya nalalaman na sa akin galling yun. At ang
tumulong sa akin ay c Kaye, pinsan nya at lagi nyang kasabay pauwi. Sa kanya ko
hinahabilin si Anel sa oras na nagkakahiwalay kami pauwi. Napapraning na nga
daw ako sabi ni kaye, kasi naman kulang na lang daw e patirahin ko sya kina
Anel para lang mabantayan. Isang linggo kong ginawa yung sa pagbabayad ng pamasahe
nya, tumigil lang ako ng kausapin ako ni Kaye na nakakahalata na si Anel. Sunod
kong ginawang move ay ang pagloload sa kanya. Nung una ok lang sa kanya. Pero
habang tumatagal nagagalit na sya kaya tinigil ko na din. Ano ba yan, hindi na
nga sya ang nagagastusan e. gusto ko lang naman e makatext sya. Pero dahil
mapilit, hindi ko na sya niloloadan. Kapag uwian naman at madami syang bitbit
na mga libro, kinukuha ko sa kanya kaya lang nagagalit sya pag ginagawa ko yun.
Kaya naman daw nyang dalhin yun. Haaays, ano pa nga bang magagawa ko. Hindi ko
na alam kung paano manligaw. Nabobobo ako ngayon sa kanya.
Nakaabot
sa isa nyang pinsan ang balitang nanliligaw ako kay Anel. Si Arvin, kaklase sya
ni Karen, hindi ko alam na close pala sila ni Anel. E halos tropa ko na din si
Arvin e.
Arvin: Ry! (inakbayan nya ko), alam ko na ang
ginagawa mo kay pinsan Anel. Ang akin lang wag mong lolokohin ang pinsan ko ha.
Ako ang makakalaban mo pag ginawa mo yun. Bubugbugin kita talaga.
Ako: hehe. Hindi ko naman gagawin yun noh.
Malinis ang intension ko kay Anel.
Arvin: mabuti ng nagkakaintindihan tayo.
Maya-maya
lang, nagpatawag ng meeting ang principal. Nagpunta kaming lahat sa may session
hall, as usual sa tropa ng 3-B at 3-D sumama si Anel. Nakasalubong namin si
Arvin at inakbayan kaming dalawa ni Anel. Ano kayang binabalak nito.
Arvin: insan di mo sinasabing boyfriend mo na
tong loko na to.
Anel: e hindi naman talaga. Sino ba nagbalita
nyan sayo? gigilitan ko ng leeg.
Arvin: haha…wala naman nadinig ko lang sa
tabi-tabi. Nga pala kelan mo pa to sasagutin? Maawa kana oh, namamayat na sa
panliligaw sayo. haha.
Anel: yaan mo sya. Hmmp!
Arvin: uh-oh… goodluck sayo pre. Mukang
mahihirapan ka dito.
Ako: goodluck talaga.
Ok
lang mahirapan nuh. Ang mahalaga may mapatunayan. Halos mag-iisang buwan na din
pala akong nanliligaw sa kanya. Hindi ko namalayan na ganun na pala agad ang
nakalipas, parang kelan lang di ko pa sya kilala tapos ngayon eto ako
nanliligaw na sa kanya.
Isang
araw non, nagkayayaan ang mga kaklase kong maggala. Kaya napagkasunduang
magha-hiking ang lahat. Kanya-kanyang dala ng pagkain, pati na din mga camera
para sa picture taking mamaya pagdating sa lugar. Masyadong malayo ang lakarin
namin bago makarating sa lugar. May mga malalaking baton a dadaanan at kailangan
pa ng aalalay para hindi masugatan sa pagtawid doon. Nasa unahan ko lang si
Anel, gusto ko syang alalayan, hahawakan ko na sana ang kamay nya, kaso humarap
sya sa akin at sinabing:
“ok
lang ako. ^_^ salamat na lang sa pag-alalay.”
Hindi
na ako nagpumilit bagkos ay nanatili na lang sa likod nya, para in case may
mangyari matutulungan ko sya agad. Nang makarating kami sa lugar ay nagsiupo
kami sa buhangin. Nakatingin kaming lahat sa falls maliban kay Anel na
nakatingin sa mga ulap. Nakangiti sya habang nakatingin doon. Nakakarelax syang
pagmasdan. tumayo sya at humiwalay sa amin. naupo sya sa malaking bato at
tumingin sa paligid nya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nya ng
mga oras na yon. Lumapit ako sa kinauupuan nya at nanatiling nakatayo sa baba
ng bato. Napansin nya ako kaya ngumiti sya tapos tumingin naman sa falls.
Anel: oh, bakit nakatayo kapa din jan? upo ka
dito. Masyado kang nagpapatangkad e.
Ako: ah hindi naman. Sige paupo ako sa tabi
mo. Ok lang?
Anel: oo naman nuh. ^____^
Magkatabi
lang kami pero nakakaramdam ako ng saya at kaba. Ang ganda ng view sa lugar na
‘to. Pero wala ng mas gaganda pa sa mga ngiti nya. Maya-maya nakarinig kami ng
sigawan.
Toper: ayiiiii… nagsosolo yung dalawa dun oh.
Kren: mommy anel at daddy ry, pasama naman sa
inyo. Iniiwan nyo ang anak nyo dito e.
Magic: ano kaba kren! Panira ka lang ng
moment nung dalawa, dito kana lang.hahaha
Tumayo
bigla si Anel at lumapit sa mga kaklase ko. Tumabi naman sa akin yung mga
kolokoy para makichismis. Mga bading talaga to. Haha. Biro lang. si Kren,
classmate ko sya, tinawag nya akong dadi mula ng malaman nyang nililigawan ko
si anel. naging masaya naman ang bonding ng klase namin kasama si Anel.
Sa
pagdaan pa ng mga araw, biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Hindi ko na sya
masyadong tinetext sabi nya kase hindi na muna sya magloload. Magpapamiss
siguro yun sa akin. Hay naku. Effective ha. At dahil wala pang pasok ngayon,
ang boring ng araw ko, ang bagal ng oras. Gusto ko na ulit pumasok para makita
sya. Maya-maya may nagtext sa akin. Si
Grace, ang 1st love ko, pero ano pang kailangan nito sa akin? Pag-open
ko ng message nya, ‘hi’ lang ang laman. Delete agad ang ginawa ko. Ewan ko sa
kanya. Masaya na ko ngayon kaya di na nya kailangan pang umepal. Nagtext naman
si kim, classmate ko at close na close sila ni Anel.
From: kimpot
Kuya… wag mong titigilan si sungit, sasagutin
ka din nun. Malapit na. hintayin mo na lang kuya. Basta wag mong sasaktan ang
sungit ko ah. Patay ka sakin pag umiyak yun.
Nang
matanggap ko yun, bigla akong sumaya, lalo akong naexcite. Pero maya-maya may
tumatawag na sa cellphone ko.
Grace calling…
(haays… ano bang problema nito? Sige na nga
sagutin ko na)
Ako: hello?
Grace: *sniff* h-hello… Ry, s-sori…
Ako: t-teka, umiiyak kaba? Bakit ka nagsosorry?
Grace: alam kong masaya kana ngayon… alam
kong late na ko, pero gusto kong malaman mong mahal pa din kita.
(anak ng tokwa! Anong pinagsasabi nito.)
Grace: mahal pa din kita ry, please… bumalik
kana sa akin. Alam kong mahal mo pa din ako humanap ka lang ng iba para
malimutan ako. Ple - -
Inend
ko na ang tawag nya. Ayokong marinig ang mga sasabihin nya. Masakit na naman.
Bakit bumalik na naman lahat? Akala ko ok na ko. Masaya na ko diba? Pero nung
umamin sya at nadinig kong umiiyak sya, bakit parang nagdadalawang isip na ko?
Hindi. Palabas lang nya to. Si Anel ang mahal ko, at awa lang ang nararamdaman
ko para kay Grace.
Nawala
na din sa isip ko yung naging pag-uusap namin ni grace. Andito ako ngayon sa
tapat ng room nina Anel at kausap sya. Yung mga kolokoy kong kaibigan, may mga
kausap din. Hehe. Nakahanap din e. dahil wala na namang klase, nagpunta kami
malapit sa room namin. Naupo kami sa may hagdan. Wala na kong masabi kay Anel,
wala na kaming mapag-usapan, kaya lang napagtripan ko ang buhok nya. Sinuklay
ko yun gamit ang kamay ko. Haaay… ang haba ng buhok nya, ang lambot at ang
bango pa. bigla syang tumingin sa akin kaya binitawan ko na ang buhok nya.
Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya, mukha kasing masusungitan ako nito.
Maya-maya dumating si kim at tumabi kay Anel.
Kim: hi sungit! ^_^
Anel: *roll eyes*
Kim: ang sungit talaga. Haha. Baka iwanan ka
ni kuya pag lagi kang ganyan.
Anel: yaena.
Kim: ang sungit… teka, nakakaistorbo ata ako.
Geh babalik na ko dun. Kuya Ry, ingat sa kasungitan nito. Hahaha
Anel: aba’t - …
Bago
pa sya makasagot, tinakbuhan na sya ni kim. Mukhang may problema to ah. Pano ko
ba iko-comfort? Hindi ako magaling sa ganyan. Magsasalita na sana ako, kaya
lang bigla syang tumayo at naglakad palayo. Teka napano yun? Hinabol ko naman
sya.
Ako: uy anong problema?
Anel: wala naman bakit meron ba?
Ako: e bakit ka umalis dun?
Anel: wala naman. Masama ba?
Ako: *speechless*
Ang
sungit nga. Bakit kaya yun ganun? Wala naman akong ginawa ah. Haays. Ayun
naglalakad na sya pabalik ng room nila. Naiwan ako dito sa gitna ng daan na
nakatulala. 1st time nya kong tinarayan. Ang sakit pala kapag
iniignore ka ng taong mahal mo. Pero hindi pa din ako susuko. Makalipas ang
maghapon na hindi pagpapansinan, akala ko maayos ko to bago ako umuwi, pero hindi
ko na sya nakita nung uwian e ang aga aga kong naghihintay sa tapat ng room
nila, di ko man lang sya nakitang lumabas ng gate. Tinignan ko ang cp ko at may
text nya na hindi sya makakasabay pauwi. Kaya eto ako, for the 1st
time uuwi akong malungkot. Haaays talaga. Tanungin ko na lang sya mamaya pag
nakauwi na ako.
Anel: xenxa na tlga knina ah. Badtrip lng
ako. Tas nadamay p kayo ni kim. Sori.
Ako: wala yun. Basta ikaw.
Anel: ano…nga pala yung sa panliligaw mo…
Ako: ano tungkol dun hindi kita pinipilit na
sagutin mo ko kaya kong maghintay… please wag mong sasabihin na tumigil ako at
layuan ka. Hindi ko kya. Mahal na mahal kita.
Anel: over makareact to! Hindi yun. Oo. Ay
ang gulo pala.. basta oo.
Ako: anong oo?
Anel: edi oo. Yung oo. Sinasagot na kita. Hahaha.
Ampanget ng sagot ko sa text lang.
Ako: hala! H-hindi ka nagbibiro? Seryoso yan?
Sinasagot muna ako? Talagang talaga na yan?
Anel: teka, ayaw mo ata ng oo ko e. binabawi
ko na. mukha paba kong nagbibiro? Baliw neto!
Ako: huy walang bawian! YES!! Tayo na ha… ang
saya ko… ang saya-saya…
Anel: wag kasaya, magtira ng para bukas.
Hahaha.
After
a month of courting, naging kami din. Sobrang saya ko. But then, kasabay ng
saya ko ay isang message na nagpagulong muli sa isipan ko.
From: Grace
Ry, please… makipagbalikan kana sa akin. Wag
mong gawing panakip-butas si Anel. Alam kong mahal mo pa ako. Please, ibalik
natin yung dati. Sori nagkamali ako na makipagbalikan sa ex ko kase sabi nya
mahal pa daw ako. Yun pala may gf din syang bukod sa akin. Sorry sa lahat ng
ginawa ko, pipilitin kong makabawi sayo. Give me another chance to prove that I
really love you.
Ang galing naman nyang tumayming. Pero ano na
bang plano ko? Bakit ba kailangang maging magulo ulit? Naaawa ako kay grace,
nagdecide ako ng mag-isa, walang hiningian ng advice, kaya eto ako ngayon
parang tino-two time ko si Anel. I’m sorry Anel, ikaw talaga ang mahal ko. Pero
kase kailangan din ako ni Grace baka kung anong gawin nya pag di ako pumayag sa
gusto nya. Sana maintindihan mo Anel.
Masaya ako ng maging kami, nag-effort ako
para mapasagot sya. Sigurado akong mahal ko sya. Sya kaya mahal din ako? Andito
ako ngayon sa room namin, 1st day namin ni Anel, pero hindi ako
nagpapakita sa kanya unlike ng nanliligaw pa lang ako, halos oras-oras
pinupuntahan ko sya. Nilapitan ako nina toper at sinabing nasa labas si Anel.
Lumabas agad ako at nakita ko syang nakangiti. Haaays. Ang ngiting yan ang
nakapagpalambot sa puso ko. Pero parang iyan din ang dumudurog dito. Ang sakit
isipin na kung kailan nakuha mo na ang gusto mo saka magiging kumplikado ang
lahat. Nag-uusap naman kami pero hindi tulad ng dati na nakukuha kong magjoke.
Sa ngayon parang hindi ko maipakita sa kanya na mahal ko sya, ang masama pa
nito, saka ako nagkaganito kung kelan kami na.
Sa 2nd at 3rd day
namin, ganun pa din ako. Hindi makalapit sa kanya. Hanggang tingin na lang ako.
Madalas ko syang nakikita sa labas ng room nila ng nag-iisa, alam kong
binibigyan nya ko ng chance na kausapin sya hindi lang ako lumalapit. Tama pa
ba tong ginagawa ko? Nang akmang tatayo na ko sa kinauupuan ko, bigla syang
umalis at pumasok sa loob. Haaays. Anel, sorry talaga. Sana maintindihan mong
magulo ang isip ko.
4th day na, nilapitan ko na sya,
kasi sya na mismo ang umiiwas sa akin. Anel… nasasaktan na ba kita? Pasensya
kana, ang duwag ko para sabihin sayo ang totoo. Baka mas lalo kang masaktan.
Hindi ko intensyong saktan ka. Sana mapatawad mo ko. Ngayon pa lang humihingi
na ko ng tawad.
Ako: s-sorry…
Anel: may problema ka ba? May problema ba
tayo? Bakit kaba nagkakaganyan?
Ako: sorry…
Anel: wala ka bang ibang sasabihin kundi
sorry? Para saan ba yang sorry mo?
Hindi
na ako makaimik. Nakayuko lang ako habang sinasabi ang ‘sorry’ sa kanya.
Natahimik sya. Nadinig kong huminga sya ng malalim saka umalis sa tabi ko at hindi
man lang ako nililingon. Paano pa nya ko kakausapin kung ako mismo hindi nya
makausap ng maayos? Masama na tong kutob ko. Sana hindi mangyari yung nasa isip
ko. Sana lang may lakas ako ng loob para sabihin sa kanya yung ginawa ko.
5th
day, hindi na nya talaga ako tinitingnan o kinakausap man lang. nakita ko syang
kasama ng 3-D , ng mapansin nyang palapit ako bigla syang umalis at nagpunta sa
room nila. Malala na to. Mukang magkakatotoo ang kutob ko. After ng time na makita
ko syang kasama sina Karen hindi ko na sya ulit nakita. Umiiwas na talaga sya.
6th
and 7th day had passed. May nareceived akong text galing sa kanya.
10pm na ng gabi pero bakit gising pa sya? Hindi ko pa binubuksan ang tx nya
natatakot ako sa mga sasabihin nya. Maya-maya may tx ulit sya. Wala nga pala
akong load. Paano na yan?
From: Anel
Hey! Long time no tx. Long time no talk din
tayo ah. Ano bang problema talaga? Natatanga na ko kakaisip kung anong ginawa
ko sayo para magkaganyan ka. Sana man lang sinasabi mo sa akin pag may problema
ka. Baka makatulong ako. Nahihirapan ka na ba?
( Hindi…
hinding hindi ako mahihirapan basta para sayo Anel. )
From: Anel
Nagdecide na ko. Salamat sa lahat ah. Naenjoy
ko nmn. Sana pala hindi muna kita sinagot. Sana nagpaligaw n lng ako ng
matagal. Sna ginamit ko muna yung utak ko nuh? Mahal naman kita e, ewan ko lang
ikaw. Geh bye na. binabawi ko na ang oo ko.
Hindi
ko napigilan ang sarili ko, naiyak ako bigla ng sinabi nya yun. Ngayon
nagsisisi sya na sinagot nya ko. Bakit ba kasi ang gago ko? Girlfriend ko nga
pala sya pero parang hindi ko naparamdam sa kanya. Bukas. Tama bukas, babawi
ako. Magsosorry ako sa kanya. At babawian ko si grace.
Nagdecide
na naman ako ng padalos-dalos. Pero eto ang alam kong tama nung mga oras na
yun. Nasa room namin ang klase nila Anel, pero wala namang teacher kaya pumasok
sa loob si toper. Sa unahan nakaupo si Anel at wala syang katabi. Kinausap sya
ni toper at sinabing magsosorry ako. May-maya lumabas si toper, ako naman ang
papasok sa loob. Huminga muna ko ng malalim. Nasa tapat na ko ng pinto,
napatingin ang buong klase nila sa akin. Uurong pa sana ako kaso tinulak na ko
ni toper. Umupo ako sa bakanteng upuan sa loob, may sinusulat sya, pero
tumalikod sya sa akin. May isang upuan sa pagitan namin.
Ako: uy… sorry…
( di sya sumasagot)
Ako: anel, sorry na oh. Di na ko uulit.
Please. Bati na tayo. Sorry na talaga.
(umayos sya ng upo pero hindi humarap sa akin
at ang seryoso nya)
Anel: sige pinapatawad na kita, pero hindi
ibig sabihin nun na tayo na ulit.
Ako: e ano pa gusto mong gawin ko para
bumalik ulit tayo sa dati?
Anel: simple lang. ibalik mo yung dating
ikaw. Yung nakikipagbiruan sa mga kaibigan. Yung unang Ry na nakilala ko.
Ako: sige, ibabalik ko sya. Pangako babalik
ako sa dati. Salamat kasi pinatawad mo na ako. Salamat talaga.
Hindi na ko nagsayang ng oras pa. Lumabas ako
ng room nila at inakbayan ang mga bestfriend ko. Tuwang tuwa din sila kasi
napatawad ako ni Anel. Sobrang bait nya talaga. And this time, babalik na ko.
Babalik ang dating ako.
Malapit ng maglabasan ang lahat, dumadami ang
tao sa gym at malayo pa lang nakita ko na si Anel, nakangiti sya sa amin kasama
ko ang mga kaklase ko. After ilang minutes, bumalik sya sa room namin at may
kinuha. This time, ng pababa na sya kausap ko naman si Grace, napansin kong
napatingin sya sa amin, ngingiti na sana ako kaso bigla syang umiwas. Naku!
Patay! Mali nga pala ang ginagawa ko. Dapat hindi ko kasama si Grace. Iniwan ko
na si Grace doon at nagpunta naman malapit sa room nina Anel. Hinihintay ko na
si Anel ngayon sabay kaming uuwi. Maya-maya may humatak na sa akin palabas ng
school. Si Grace, sinabayan nya ko, at nakahawak pa din sya sa wrist ko.
Napatingin ako sa room nila Anel, nakita ko sya pero mukhang lampasan ang
tingin nya sa amin kase wala syang reaksyon. Hinayaan ko lang si Grace sa
ginagawa at gusto nya. Basta aaminin ko sa kanya na wala na lang sya sa akin.
Oo mahal ko pa sya pero bilang kapatid na lang. Bago pa kami maghiwalay ng
dadaanan ni Grace kinausap ko na sya.
Ako: ahmm, grace… ano kase… wag muna ituloy
‘to.
Grace: ha? Pero…
Ako: ayoko na. hindi na naman kita mahal. Wag
mo ng ipagpilitan ang sarili mo sa taong hindi ka naman mahal. Kaya please lang
oh. Magulo na e, ayoko ng manakit. Ayokong masaktan ka.
Grace: ayaw mo kong masaktan? Oh ginagawa mo
to dahil kay Anel? Ano pa bang kulang? Ano pa? sabihin mo.
Ako: wala ng kulang grace. Ayoko na. please.sorry
sa ginawa ko pero ito ang alam kong tama at dapat.
After
ng usapan na yon, tinalikuran ko na sya at naglakad ako palayo. Umiiyak sya
nung iniwan ko dun. Bakit ngayon lang sya nagkaganyan kung kailang may mahal na
kong iba. Kung nung una pa lang narealize na nya yun, siguro kami pa din
hanggang ngayon. Pero hindi e. huli na ang lahat, awa na lang ang maisusukli ko
sa pagmamahal nya.
Dumating
ang buwan ng November, pati ang Induction Ball. Hindi naman sya required pero
invited ang lahat ng estudyante mula 1st – 4th year.
Formal daw dapat ang suot. Nagpunta ako at sumama sa mga tropa ko. Hinanap ko
si Anel. Pinagtanong ko pa sya sa mga kaklase niya, kaya lang hindi naman daw
nila nakikita o nakakasama. Naglibot-libot muna ako sa gym, kung saan-saan ako
sumisiksik dahil sa dami ng tao. Napatigil ako bigla at natulala sa nakita.
Kasama nya mga barkada nya sa klase nila. Ngayon ko lang sya nakitang
nakadress. Ang simple pa din nya, may make-up nga sya pero light lang, nakababa
lang ang buhok nya at nakikita kong nakangiti sya. Malapit na sya sa
kinatatayuan ko, sa halip na lapitan ko sya, mas pinili kong magtago. Hindi ko
kayang masira ang gabi nya ng dahil sa akin. Alam kong galit pa din sya sa
ginawa ko. Hindi pa ako nakakapag-explain sa kanya. Makita ko lang syang
nakangiti ok na ako. Bumalik na ako sa mga kaklase ko. Naghanap kami ng
magandang mapupwestuhan.
Habang
lumalalim ang gabi, gumaganda ang kanta. Love songs ang mga tugtog. Saying
hindi ko man lang sya malapitan. Tinutulak ako ni Toper papunta kay Anel kaso
natataakot akong mapahiya kapag hindi sya nakipagsayaw sa akin. Maya-maya
nakita ko na sya sa dancefloor kasama si Niky, isa sa mga kaklase nyang lalaki.
Si Niky ang 1st dance nya. Nakangiti sila habang nag-uusap. Aaminin
ko, naiinggit ako ng sobra. Naiisip ko,
kung ako ba ang kasayaw nya, ganyan din katotoo ang ngiting matatanggap
ko sa kanya? Haays… nahihirapan akong makitang masaya sya sa piling ng iba
though alam ko naming walang namamagitan sa kanila ase kapatid ang turing ni
Anel kay Niky, pero iba pa din e. nagseselos ako. Parang sasabog na ang puso
ko. Ang sakit na.
2nd
dance naman nya si Arvin. Nakita kong naging seryoso ang mukha ni anel.
Kinutuban ako na parang ako ang topic nila. Tuloy lang ang salita ni Arvin,
habang si Anel ay hindi makatingin dito. Kita ko sa mukha nya na nahihirapan na
syang itago ang sakit. Napapakagat sya sa lower lip nya para siguro pigilan ang
pagtulo ng luha nya. Patapos na ang kanta, at nakita kong yumuko sya.
Nakatingin sa kanya si Arvin, tapos tinap ang likod nya at niyaya ng maupo.
Umiiyak ba sya? Pero bakit? Kung ako yung naging topic, bakit nya ko iiyakan?
Ganon ko ba sya nasaktan? I’m really sorry Anel. Hindi ko na tinapos ang
program kaya umalis na ako. Hindi ko na matagalan ang sakit. Nagselos ako nung
kasayaw nya si Niky, nasaktan naman ako ng sobra ng makita kong malungkot at
umiiyak sya.
Nang
makarating ako sa bahay, dumiretso ako sa kwarto ko at di ko namalayan ang
pagtulo ng luha ko. Sobrang hirap. Mas masakit makitang nasasaktan ang mahal
mo. Di bale ng ako ang masaktan at mahirapan wag lang sya. Hindi ako deserving
para sa kanya. Napakawalang-kwenta ko. Hindi ko man lag sya naprotektahan.
Mabilis
na lumipas ang mga araw, pero hindi pa din ako nakakamove on. Hindi ko sya
maalis sa puso’t isipan ko. Hindi ko sya kayang kalimutan.
Can I still love you secretly?
Hindi
ako makausap ng matino ng mga kaibigan ko. Kung kaya sila na ang gumawa ng
paraan para makausap nila si Anel at malaman ang side nya. Hindi ko kase nasabi
sa kanila na break na kami. Hindi naman ako kalayuan sa pwesto nina anel at
Karen. Lumapit sa kanila sina toper at magic. Nadidinig ko kahit papano ang
pinag-uusapan nila.
Toper: pardz! Kamusta kana? Di kana napasyal
sa room eh.
Anel: busy e. sory naman nuh. ^_^
Karen: girls talk to, lumayas nga kayo jan.
Toper: Karen naman e. edi sasali kami ni
Magic. Pwede naman yun e. kunwari babae din kami. Haha
Karen: cge na nga. Upo na kayo.
Magic: anel, ano bang meron sa inyo ni papa?
Hindi na kayo masyadong nag-uusap ah. Magkaaway kayo?
Anel: haha. Hindi noh. Bakit naman kami
mag-aaway? ^_^
Toper: ang plastic mong ngumiti wag ka ngang
gumanyan. Yung seryoso nga. Ano ba talagang meron? Hindi namin makausap ng ayos
yun e. daig pang may sapi.
Anel: edi sa kanya na lang kayo magtanong. Di
ko din naman alam kung anong meron at kung bakit sya nagkakaganyan e.
Toper: ano ba yan! Pagbubuhulin ko kayo e.
pareho kayo ng sinasabing hindi alam kung anong nangyayari.
Anel: talaga lang ha. Tss.
Magic: ang taray ha. Ikaw Karen may alam kaba
dito? Share naman.
Karen: break na sila. Ano bayan! Bakit di nyo
alam. Hay naku.
Toper & Magic: ANOOO??
Anel: ay kelangan sabay talaga? Hahaha…
kailangan ulitin pa ulit?
Toper: pardz, kelan pa? bakit? anong dahilan?
Paano? ang bilis naman e.
Anel: simple lang… hindi ko sya maintindihan
kaya nakipagbreak ako. Para na kong tanga na naghihintay na kausapin nya. Kung
hindi pa ako iiwas hindi sya lalapit para kausapin ako. Tinatanong ko kung
anong problema pero sorry lang ang sinasabi nya. Bakit naman daw kase sinosolo,
pwede namang ishare kung may problema. Maiintindihan ko naman e. pero ano pang
magagawa ko kung ayaw talaga nyang sabihin diba? Napapgod din naman akong
magpakatanga at maghintay kung kalian sya gagawa ng move. Buti pa nung
nanliligaw sya, lahat ginagawa nya, kinakapalan na nga nya ang mukha para lng
makalapit sa akin, pero bakit ngayon hindi nya na magawa? Kung kelan naging
kami saka sya nagkakaganyan, parang sya mismo ang lumalayo. Sige nga, sino ang
mali sa amin? Haays. Geh alis na ko.
Iniwan
nya yung tatlo. Natahimik lang sila. Samantalang ako, hindi makagalaw sa
kinatatayuan ko dahil sa mga narinig ko sa kanya. Pinapipili nya kung sino sa
amin ang mali, ako ang mali. Ako ang may kasalanan ng lahat. Ako ang dapat
sisihin. Nasaktan ko pala talaga sya. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit sa
dinami-dami ng pwedeng masaktan... sya pa ang napili ko?
Nang
mga sumunod na araw, sinusubukan ko syang tawagan at itext. Pero hindi nya
sinasagot. Gusto ko ng magpaliwanag sa kanya. Hindi ko na kayang iwasan sya. Sa
school naman iniiwasan nya ako. Kahit iexcuse ko sya sa mga kaibigan nya hindi
nya ko pinapansin. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin. Hanggang isang
araw nagtext sa akin si kim.
From: Kim
Kuya, sabi ko sayo wag mong papaiyakin si
sungit. Bakit mo ginawa yun? Di mo ba alam na mahal kana nun? Saka eto p nga
pala, galit sya sa ating dalawa. Galit sya sa akin kase binigyan kita ng hint
na sasagutin kana nya. At galit sya sayo
kase nalaman nya sa mga kaibigan nya na nagkabalikan kayo ni Grace habang kayo
din ni sungit. Ano bang nangyayare sayo at ginawa mo yun? Nakakainis ka.
From: Kim
Alam mo ba, nagkukwento sya kay ate mariel.
Tuwang tuwa sya na magkakabf na sya. Ayaw kana nyang pahirapan kaya sinagot ka
nya agad. Tapos ng malaman nyang kayo na ulit ni Grace, sobrang nasasaktan sya.
Bakit mo daw sya ginawang panakip-butas? Kuya naman akala ko ba may usapan na
tayo. Bakit ganun ang ginawa mo kay sungit? Alam mong special sya sa amin ni
ate kahit di namin sya kadugo tinuturing namin syang kapatid. Ayusin mo nga ang
buhay mo bago ka bumalik kay sungit.
Tinamaan
ako sa mga sinabi ni kim. Tama sya. Kailangan ko munang ayusin ang buhay ko
bago bumalik kay Anel. Hihintayin ko na lang na mawala ang galit nya sa akin.
Kahit mahirap kailangan kong gawin ‘to. Kailangan kong magtiis na hindi nya
pinapansin, kinakausap, at parang walang Ry na nag-eexist sa mundo. Para sa
kanya kakayanin ko ‘to. Papatunayan ko sa kanya at sa lahat na kaya kong
magbago, na mali ang iniisip nila tungkol sa akin, at paninindigan ko kung
anuman ang sinabi ko. Maghihintay ako sa ayaw at sa gusto ni Anel. Wala akong
pakialam kung may mapapala ba ko sa huli o wala. Basta gagawin ko ‘to ng bukal
sa kalooban ko.
Ilang
buwan na ang nakalipas mula ng mangyari yun. Sa araw-araw ng aking buhay, pilit
kong kinakaya ang lahat. No choice naman ako kundi ganito ang gawin e. hindi ko
alam kung kinalimutan na nya ako. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kanya. Hindi ako
makapagtanong sa mga kaibigan nya dahil alam kong galit sila sa ginawa ko.
Minsan gusting gusto ko syang tanungin kung mahal pa ba nya ko, pero hindi ko
magawa, natatakot ako sa isasagot nya. Mula ng maghiwalay kami pakiramdam ko
nagalit sa akin ang mundo, though hindi naman ako pinababayaan ng tropa ko lalo
na ng dalawa kong bestfriends, nakasurvive naman ako. Isang napaka-special na
tao ang nasaktan ko, ang ginago at niloko ko. May kwenta pa ba ko ngayon?
Two
days before our graduation, puro practice lang kami ngayon, yung pag-march,
seating arrangement, at graduation song na paulit-ulit naming kinakanta. Habang
nagma-march papunta, kaunahan ang section nila, nakapila lang lahat, at ako?
Eto sa kinatatayuan ko, lumilipad ang utak. Nasa stage na sya, nakita ko syang
nakangiti, humarap sya sa amin at nagbow. Haaays. Ang ngiting yun ang mamimiss
ko. Malapit na kaming gumraduate pero ganito pa din kami. Mukhang aalis ako ng
school na to ng mabigat ang loob. Nawawalan na ko ng pag-asang muli nya kong
papansinin. Hindi ko namalayan na nasa stage na din pala ako, hindi ko makuhang
ngumiti dahil hanggang ngayon nasasaktan pa din ako at sinisisi ang sarili.
Nakayuko lang ako hanggang sa makababa at makaupo sa assigned seat namin.
Tinapik naman ni Magic at Toper ang balikat ko, napahinga na lang ako ng
malalim. Ang lungkot… sobrang lungkot ng nararamdaman ko… hindi ko to
naramdaman kay grace nung kami ang maghiwalay. Ganun nga siguro kalakas ang
impact ni anel sa akin na hanggang ngayon hindi pa din ako makalimot sa ginawa
kong kalokohan. After ng practice, naglakad-lakad muna ako. Inaalala ko ang mga
masasayang bagay na nangyari sa akin sa apat na taong pananatili sa school.
Naaalala ko ang mga panahong hindi ko pa sya kilala, malimit magkrus ang landas
namin pero hindi kami nagpapansinan, nagkakatinginan pero wala lang, hanggang
sa makilala ko sya, naging kaibigan, nagustuhan, nag-effort sa panliligaw,
nabobo pa nga ko kasi ang talino ng nililigawan ko, nakakahiya kapag nagkamali
ako, pero isinantabi ko lahat ng ‘yon para mapakitang mahal ko sya. Ang dami
kong mamimiss sa pag-alis ko dito. Sana
kaya kong ibalik ang nakaraan para naitama ko man lang kahit papano yung mga
nagawa kong mali. Dalawang araw ko na lang syang makikita pag tapos non hindi
ko na alam kung kalian ulit magkukrus ang landas namin. Halos nalibot ko na ang
buong school namin, pabalik na ko sa room ng bigla ko syang nakita. Malapit na
sya sa akin, at hindi ko alam kung anong gagawin ko, natataranta ako pero hindi
ko dapat ipakita sa kanya. Gusto kong umiwas pero tuloy pa din sa paglalakad
ang mga paa ko. Napatingin sya sa akin at biglang… ngumiti… yung totoong ngiti…
nginitian ako ni Anel… nginitian nya ako… ngumiti sya… natigilan ako at hindi
makapaniwala sa nakita, kung panaginip man ‘to wag na muna nila akong gisingin.
Pero hindi e, totoo talaga to. Ngumiti sya as in ganito: ^____^ hindi ko maipaliwanag kung gaano ako
kasaya sa ginawa nya. Pinatatawad na kaya nya ako? Sana hindi ako nagkakamali
ng hinala… sana nga…
Pagkauwi
sa bahay, tinext ko sya agad. Gusto ko syang makausap kahit sa text man lang.
Gusto kong linawin lahat ng mga nangyari dati. Gusto kong magsimula ulit kami.
Gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko pa din sya. Gustong gusto kong
magkaayos kami at bumalik sa dati, kahit hanggang kaibigan lang ok na sa ‘kin
iyon. Sa sobrang saya na nararamdaman ko, hindi ko mapigilan ang luha ko. Ang
bading man tingnan kasi umiiyak ako pero wala akong pakialam. Masaya lang
talaga ako.
Ako: totoo ba yung kanina? Ang ibig kog
sabihin, yung ngiti mo…
Anel: ah yun ba? Oo, totoo yun. Hehe. Hindi
ba kapani-paniwala?
Ako: ibig bang sabihin non, pinapatawad mo na
ako?
Anel: ano ka ba! Matagal na kitang napatawad
noh. Kanina lang ako nagkalakas ng loob ngumiti sa ‘yo. Para kaseng wala kang
balak maging maayos ang lahat bago tayo gumraduate. Hmp!
Ako: matagal na kitang gusting makausap, pero
hindi ko magawa, natatakot ako baka di mo ko mapatawad, nahihiya ako sa ginawa
ko sa ‘yo. Sobrang pinagsisisihan kong lahat yun.
Anel: ok na yun sa akin. Kainis to! Lage ng
nahihiya. Wala namang kahiya-hiya sa akin ah. So, baka naman pwede mo ng
ipaliwanag sa akin yung mga nangyari dati, linawin mo sa akin para malinis na
yung pangalan mo. Hindi naman siguro pupwedeng forever kang masama sa paningin
ko at ng ibang tao, alam ko namang hindi ka ganon at may valid reason ka kung
bakit mo nagawa ‘yon...
At
ayun nga, sinabi kong lahat sa kanya. Nakakatawang isipin na ang daming panahon
ang sinayang ko para lang pagsisihan yun e ang tagal na pala nya kong
napatawad. Hindi sya nagalit sa akin, dun daw sya nagalit sa ginawa ko.
Binigyan pa nya ako ng advice dahil sa mga pagkakamaling nagawa ko sa kanya.
From: Anel
Ry, hindi masamang manakit ng kapwa kung
totoo yung sasabihin mo. Mas nakakakonsensya kung nakikita mo syang masaya na
puro naman kasinungalingan ang alam nya. Kung gaganti ka sa kamalian ng isang
tao, gantihan mo sya ng magaganda at mabubuting bagay. Sabi nga nila, kung
binato ka ng bato, batuhin mo naman ng tinapay. Kung nasaktan ka sa mga ginawa
nya, wag mong gantihan sa paraang masasaktan din sya. Kasi kung gagantihan mo
din sya ng bato, magkakasakitan lang kayo at mahihirapang magkaayos.
Sobrang
napaisip ako sa sinabi nya. Hindi ko akalaing ganito sya kabait. Hindi ko
akalaing ang babaeng sinaktan ko ay may ganitong ugali. Kung nung una pa lang
naging aware na ko na maiintindihan nya yung explanation ko, kung sana hindi
ako pinanghinaan ng loob noon, kung hindi ako nagpatalo sa lungkot at konsensya
ko noon, kung nagawan ko lang ng paraan lahat noon di sana matagal na kaming
nagkaayos. nakakahiya mang isipin, sya pa ang talaga ang gumawa ng paraan para
magkaayos kami ulit. Ako yung nagkamali pero sya ang umayos. Nanliliit ako sa
ginawa nya. Bakit nga ba hindi ko ginamit ang utak ko noon? Pero di bale babawi
ako sa kabutihang ginawa nya. Sa susunod hindi ko hahayaang mangyari ito ulit.
Sobra-sobra akong nagpapasalamat sa kanya.
Nakatapos
kami ng highschool. Masaya kaming naghiwa-hiwalay. Hanggang sa lumipas ang
isang taon. Halos isang taon kaming nawalan ng komunikasyon pero hindi nabago
ang feelings ko sa kanya. Mahal ko pa din sya. Nakikibalita na lang ako sa
kanyang pinsan at mga kaibigan. Bakasyon nila nung makuha ko sa isang kaibigan
ang bago nyang number. Halos araw-araw ko syang tinetext ng ‘HEI’,
nagbabakasakaling makukulitan sya at rereplyan ako. At dumating yung time na
muli kaming naging close. Kapag nagpapaalam syang wala na syang load,
niloloadan ko sya, kahit na minsan kapag ginagawa ko yun e nagagalit na sya.
Masaya ako sa ginagawa ko, masaya akong katext sya kahit simple lang ang usapan
at minsan wala ng kakwenta-kwenta. Tinanong ko sya kung may bf sya, sinabi nya
na may mga naging bf sya pero sa text lang, hindi pangmatagalan, at sunod nyang
sinabi, after graduation pa sya pwedeng magbf yung totoong boyfriend na
magiging legal sila. At dahil don sinabi ko sa kanya na willing akong hintayin
sya, bahala na kung may mapala ako o wala basta mananatili pa din ako sa tabi
nya. Habang tumatagal, nararamdaman kong may pag-asang maging kami ulit, pero
ayokong linawin yun sa kanya kasi baka ganun lang din sya sa mga kaibigan nya.
At sinabi ko sa sarili ko a after graduation nya, saka ko pa lang sya
kukulitin. Sa ngayon handa akong suportahan sya sa kung saan sya masaya.
Ayokong maging hadlang sa mga pangarap nya at ng mga magulang nya.
From: Anel
Wag mong ifocus ang sarili mo sa akin. Kung
may mahanap kang iba, sabihin mo lang sa akin. Sakaling mainlove ka sa iba,
magiging ok lang sa akin. Ayokong umasa ka sa wala. Hindi ko alam kung after
grad ay may feelings na ako sayo. Ayokong paasahin ka, ayokong masayang yung
panahon na iginugugol mo sa akin gayong may nakalaan naman pala sa yong iba at
mas karapat dapat kesa sakin. Basta magsabi ka lang sa akin para aware ako.
Sa
sinabi nyang yan, sinubukan kong maghanap ng iba. Hindi ako nabigo, nakahanap
ako ng isang babaeng susubukan kong mahalin. Hindi ko muna ipinaalam kay anel,
kasi hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya, nahihiya ako. Hindi ko na
talaga matatanggal ang hiyang to sa sarili ko. Sinubukan kong mahalin yung
babae, pero sa tuwing makakasama ko sya, mukha ni anel ang nakikita ko, si anel
ang naiisip ko, si anel padin ang mahal ko. Tumagal kami ng isang buwan nung
babae. Nakarating na din kay anel na may gf ako at…
Anel: congrats! May gf kana pala. Di mo man
lang sinabi sa akin. Diba may usapan na tayo na sasabihin mo sa akin, hindi
aman ako magagalit e. pero bakit hindi mo ginawa? Ano nahihiya kana naman? Ano
ba naman Ry! Hanggang kelan ka magpapatalo sa hiyang yan. Ako ba di mo naisip
nab aka nahihiya din sayo? Mas nahihiya ako sayo, lalo na pag nalalaman kong
nahihiya ka sa akin. Ayokong magbago yug smahan natin kaya pilit kong
kinakapalan ang mukha ko.
Ako: sori anel. Hindi ko nasabi. Sori talaga.
Naunahan na naman ako ng hiya. Pasensya na.
Anel: haays. Ano pa nga bang magagawa ko…
masyado akong naging OA. Sige na, basta ingatan mo yang babae ha. Wag mong
sasaktan yan. Wag kang pasaway sa kanya. Wag mong gagawin sa kanya yung ginawa
o sa akin. Alam kong nagbago ka na at sana hindi mo na gawin yun kahit kanino.
Kung saan ka masaya, masaya na din ako.
Ako: anel naman e.
Anel: e mahal mo?
Ako: tinatanong pa bay an?
Anel: itatanong ko ba kung alam ko? Sagutin
mo na lang. wag ka ngang baliw! Umayos ka nga!
Hindi
ko masabi kay anel na sya ang mahal ko, na kahit anong gawin kong paglimot sa
feelings ko sa kanya e hindi ko magawa, na kahit ibang babae na ang kasama ko
sya padin ang nakikita ko, na kahit pagbali-baligtarin pa ang mundo sa kanya pa
din ako bumabalik. Isang araw, kusa nya kong tinext. Parang may mabigat syang
tinatago sa kalooban nya.
Anel: haaays… I miss him.
Ako: sino? yung special someone mo?
Anel: oo. Kaso wala na sya e.
Ako: kilala ko ba sya?
Anel: oo, kilalang kilala mo.
Ako: hndi naman sa ano, pwede ko bang hulaan
yan?
Anel: cge, ok lng.
Ako: ako ba yan?
Anel: HUWOW! You’ve got the jackpot1 ang
galling nahulaan mo. Haha. Ano ba yan! Nabuking na ko. Pasensya na ha. Di ko na
kase maitago e. ngayon ko lang narealize.pero don’t worry hindi ako manggugulo
sa inyo. Promise. Hindi na kita itetext, ayokong magdalawang isip ka. Hehehe.
Isipin mo na lang wala akong sinabi sayo. Geh bye bye. Ingats na lang lagi. Wag
pababayaan yung girl ha.
Ako?
Naiwang speechless. Ano ba naming pumasok sa utak ng babaeng ‘to? Aamin sya na
special daw ako tapos biglang magpapaalam na hindi na ko itetext. Nung matauhan
ako sa mga sinabi nya, kinulit ko sya ng kinulit. Pinipilit ko syang itext ako.
Araw gabi tinetext ko sya, halos araw-araw, pero ni isa sa mga yun wala syang
nireplyan. Ang lungkot ko na naman. Iniisip ko kung saan nya yun nalaman, ni
walang nkakaalam sa mga kaibigan namin na may gf ako. At dahil sa naiwan na
naman ako, pinilit kong kalimutan ang mga nangyari. Nagfocus ako sa gf ko.
Napapamahal na ako sa kanya, pero as friend pa lang. nakikita ko na ang worth
nya bilang gf ko, sweet sya, maganda, mabait, madaling mahalin, karamay ko
kapag malungkot ako, gumagala pa nga kami kasama mga kaibigan nya, all in all
masaya syang kasama. Nabawasan ang lungkot ko, nabawasan ang pag-iisip ko kay
anel, pero walang pagbabago sa feelings ko para sa kanya.
Isang
umaga pag gising ko, nagpapaalam na ang gf ko. Nakikipaghiwalay na sya. Sinabi
nyang wala sa akin ang problema kundi nasa kanya, hindi daw sya karapat dapat
na maging gf ko, may nakalaan daw sa aking mas angat sa kanya. Nabigla ako.
Kung kalian pinag-aaralan ko ng magmahal ng iba saka naman ako iniiwan. Hindi
na ako nagdalawang isip pang itext si Anel.
Ako: anel, pwede ka bang mahiram saglit?
Anel: ha? Hiramin? Anong ibig mong sabihin?
Saan mo ko dadalhin ha?
Ako: thanks nagreply ka. Kailangan ko lang ng
karamay.
Anel: bakit? Anong nangyari? Sabihin mo sa
akin baka matulungan kita.
Ako: break na kami. Hindi nya sinabi ang
reason kung bakit sabi lang nya may nakalaan daw saken na mas mapapasaya ako.
Bakit ganon?
Anel: ano ba yan! Pengeng number nya gusto
kong malaman yung side nya.
Ako: hindi anel, wag na. wag na lang natin
syang pilitin. Hayaan na lang natin sya sa desisyon nya.
Anel: pero pano ka? Sisipain kita jan e.
hindi ko kayo pipiliting magkaayos noh, aalamin ko lang yung side nya.
Ako: ok na ko. Basta damayan mo muna ko.
Haays. Thanks ha. Akala ko hindi mo pa din ako rereplyan e.
Anel: e loko ka pala e! Kakagising ko lng
tapos mababasa kong ganun ang text mo, sinong hindi mapapareply dun. Kinabahan
pa ako akala ko nasa labas ka ng bahay namin.
Ako: effective pala. Buti na lang yun ang
pumasok sa utak ko. Hahaha.
Anel: kabaliwan mo! Ano ok kana? Tumatawa
kana e.
Ako: oo ok na ako. Salamat talaga ha.
Mula
nung mangyari yun, hindi na ako naghanap pa ng iba. Hindi ko pala talaga sya
kayang palitan. Naging maayos ang sumunod na isang taon ng pagiging magkaibigan
namin. Kuntento ako sa kung anong meron sa amin ngayon. Ayoko muna syang
pangunahan, ayokong buksan yung topic tungkol sa panliligaw at paghihintay ko,
ayokong magulo ang isipan nya ng dahil sa akin. Ang gusto ko lang ngayon ay
makita syang masaya at makapagtapos ng pag-aaral nya. Nakakahiya mang sabihin,
hindi na ako nag-aral ng college, kasi mas gusto kong magtrabaho na agad para
makatulong sa magulang ko.
Masaya
ang mga lumipas na araw ng bakasyon nila, nagpunta pa nga siya sa amin kasama
ang ibang mga kaibigan, nakakasabay ko din sya minsan pag umuuwi ako. One time,
nagkasabay kami, nagkatabi sa jeep, at habang nasa byahe napansin kong antok na
antok sya. Hindi ko naman masabing “anel sandal ka sa balikat ko para makatulog
ka ng maayos” syempre, ayaw nya ng chismis kaya hindi ko ginawa yun. Maya-maya
lang, naramdaman kong nakasandal na sya sa balikat ko. Napatingin na lang ako
sa kanya at napahinga ng malalim. Ang cute nya pag tulog, para syang batang
napagod masyado sa paglalaro, kase halata sa mukha nya ang pagod. Hindi ko
maintindihan kung ano tong nararamdaman, masyado akong kabado sa tuwing
nakakasama sya, masyado akong natitigilan kaya eto ako hindi makagalaw ng ayos,
parang pigil pa nga ang hinga ko kase baka mamaya bigla syang magising. At ayan
na nga, nagising na sya, inangat nya ang ulo nya’t tumingin sa akin, ngumiti
sya sa akin at ngumiti naman ako sa kanya. Nag-uusap kami tapos nagtatawanan,
yung nga lang masyadong masaya tong katabi ko at tawa ng tawa, mapapagkamalan
tong baliw kung hindi ako kasama e. Ang laki ng pinagbago nya mula ng
makagraduate kami ng highschool, ang dami na nyang kwento ngayon, madaldal na sya
at ang lakas pang mang-asar ha. Wala syang ibang ginawa nung magkausap kami
kundi barahin ako lagi. Pero kahit ganon, masayang masaya pa din ako. Kahit
isang oras lang kaming nagkasama nun, tine-treasure ko ang time at moment na yun.
Bihira man kaming mag-usap kase maya-maya makikita ko na lang syang natutulog
ulit, ok lang, ang mahalaga kasama ko sya. Kontento ako na kasama sya, nakausap
kahit saglit, nakita syang ngumiti, at napakinggan ang tawa nya.
Dumating
din ang time na nainlove sya. Oo nainlove si anel, pero hindi sa akin. Nahulog
ang loob nya sa iba. Masakit kasi bigo na naman ako. Naunahan na naman ako.
Pero ano bang magagawa ko, hinihintay ko yung time na makagraduate sya bago ako
kumilos. Hindi ko alam kung magsisisi ako na naghintay pa ko. Pero sumagi sa
isip ko yung sinabi kong “maghihintay ako, may mapala man ako o wala”. Sobra
syang nagsosorry sa akin. Alam nya na nasaktan ako. Alam nya na sa huli umaasa
akong magkakabalikan kami. Nainis pa ako sa kanya at sinabing kasinungalingan
lang siguro lahat ng sinabi nya dati lalo na yung ‘special’ daw ako sa kanya.
Pero nung sinabi nyang hindi naman daw nya sinasadyang mahulog ulit dun sa
lalaki, tinanggap ko ang pagkatalo ko. Nararamdaman kong nahirapan syang
magsabi ng totoo at naguguluhan sya. Naalala ko yung sinabi nyang ‘pag binato
ka ng bato, batuhin mo naman ng tinapay’.
“pasensya na kung nainis ako sayo kanina.
Nagulat lang ako sa sinabi mo. Hindi naman ako galit at hindi ko kayang magalit
sa ginawa mo. Nagmahal ka lang naman e. alam kong hindi mapipigilan at hindi
matuturuan ang puso. Kaya naiintindihan kita. Wag mo kong alalahanin. Kung saan
ka masaya, magiging masaya na din ako. Ayokong makitang nahihirapan ka. Hindi
kita papipiliin sa amin. Basta gusto kong tandaan mong kahit anong mangyari,
andito pa din ako. Anytime, pwede mo kong lapitan. Ganyan naman talaga pag
mahal mo ang isang tao, tatanggapin mo na lang kung saan sya masaya, kahit
masakit para sayo, basta kasiyahan nya ibibigay mo.”
“gusto kong maging masaya ka sa kanya. Hindi
ko kayo guguluhin. Favor ko lang, sabihin mo sa kanya na wag kang sasaktan,
kasi iilan na lang ang babeng katulad mo. Bihirang bihirang makakita ng kagaya
mo, kaya sana ingatan ka nya tulad ng pag-iingat ko sa ‘yo. Tandaan mo din,
kahit ganyan yung ginawa mo, walang nagbago sa nararadaman ko para sayo. Mahal
padin kita at hindi ko na mababago yun. Kaya kung masasaktan ka ng dahil sa
kanya, tingin ka lang sa likod mo, andun lang ako, hinihintay ka. Hindi mo
kailangang magdalawang-isip sa paglapit sa akin, kahit kaibigan lang ako sayo,
mananatili pa din ako sayo. Hindi ko maipapangako pero sinusubukan kong gawin.”
God
has a reason why those things happened to me. Simula ng makilala ko si Anel,
madaming nabago sa pagkatao ko, marami akong natutunan, marami akong natuklasan
sa sarili ko pagdating sa LOVE, mas lalo kong nakilala ang sarili ko at may
posibilidad pa nga na may matuklasan ako. Sa ngayon, ang kailangan ko lang
gawin ay patuloy syang mahalin, hintayin na mapansin ulit, at maging handa kung
anuman ang mga maari pang mangyari.
I know that when you love someone, you are
willing to do everything just to make her happy. Love is an unexplainable and
unbelievable feeling for someone. Love is sacrifice if you always think of her
happiness. Love is a confusing matter if you always want to be fair. No one
knows who the right person for us is, we, in ourselves are the one who will prove
that we are the right person she was searching for. Love is contentment. Love
is accepting your love one as a whole no more any less. And above all super
powers, love is the most powerful because God is love.