Linggo, Nobyembre 18, 2012

Daydreamer Part 2

Jane Alex's POV:
       Isang malamig na gabi. Mula sa aking silid, ay makikita ang mga kalat na damit, at mga pang-ayos sa mukha (make-up) at mga pang-pony sa buhok. Nakatayo lang sa haapan ng kama habang iniisip kung ano ang ayos na nais gawin. Hindi ko maintindihan kung anong meron sa gabing ito at pinapapaghanda nya ko ng ganito. Ilang saglit ang lumipas, napagdesisyunan ko na kung ano ang susuotin. Isang asul na bestidang hanggang tuhod ang haba at asul na sandals na ibinagay sa damit. Nilagyan ng konting make-up ang mukha at hinayaang nakalugay ang buhok. Humarap ako sa salamin upang makita ang kinalabasan ng pag-aayos. Hindi makapaniwala ang aking mga mata sa nakikitang panibagong itsura. Ito ang unang beses na nagsuot at naghanda ng ganito.
      Lumabas na ako ng bahay. Mula sa harapan ng aming bahay ay nakita ko ang isang lalaking nakatalikod, nakasuot ng isang puting tuxedo, puting pantalon at sapatos. Kinabahan akong bigla ng makita sya. Namalayan nya sigurong nasa labas na din ako kung kaya humarap na sya sa akin. Tumambad sa aking harapan ang kanyang mala-anghel na mukha. Ngumiti sya sa akin at ganun din ang ginawa ko. Lumapit sya sa akin at inilahad ang kamay nya. Humawak ako sa kamay nya at niyaya nya akong muli sa loob ng bahay namin. Lumapit sya sa aking mga magulang na noo'y seryosong nag-uusap sa may salas.

      "Tito, Tita... Hiramin ko po muna si JA. ^_^ wag po kayong mag-alala, ibabalik ko naman po sya ng buong buo." - JA boy
      "O sige. mag-iingat kayo ha." - Mama

      Muli kaming lumabas ng bahay at inalalayan nya hanggang sa makasakay sa kanyang sasakyan. May sarili na syang sasakyan at ako?  May sarili naman akong bahay. Yan ang mga pinag-ipunan namin mula sa aming pagtatrabaho. Ilang taon na din ang nakalipas mula ng makapagtapos kami ng pag-aaral at nakahanap ng magandang trabaho. Ang lahat ng ito ay labis naming ipinagpapasalamat sa MayKapal.
      Sa loob ng sasakyan, tahimik lang kaming pareho. Nakatuon ang mga mata sa magagandang ilaw na makikita sa labas ng sasakyan. Nararamdaman ko ang tibok ng puso ko, sa sobrang bilis pakiramdam ko ay lalabas na ito.  Subalit sinabi ko sa isipan na hindi dapat makita ni JA ang kabang ito kung kaya ginawa ko ang lahat para ipakitang natural ang aking kinikilos. Hanggang sa mga oras na nasa byahe kami, hindi ko alam kung anong meron, kung bakit kailangan ganito ang bihis namin. Habang diretso lang ang tingin ko, nakaramdam na naman ako ng kaba. Napatingin ako sa tabi ko at nakitang nakatingin sa akin si JA. Haaay... Tingin pa lang nya kinakabahan na ako. Nanghihina ang mga tuhod ko sa tuwing tumitingin sya sa akin. Ngumiti sya sa akin at hinawakan ang aking pisngi. Nagulat ako sandali sa ginawa nya pero ngumiti na lang din para hindi nya mahalata. Bumalik na syang muli sa pagmamaneho.
      Sa buong byahe na magkasama kami, hindi ko maiwasang ngumiti sa hangin. Sobrang saya ko ngayon. Kahit wala pa namang magandang nangyayare, sobrang nasisiyahan na ko. Makita ko lang sya, buo na ang araw ko, paano pa kaya kung nakakasama di ba? Walang kapantay ang kasiyahan na ito. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kaba at kasiyahan sa taong pinakamamahal ko. Ipinikit ko ang aking mga mata para makausap ang sarili tungkol sa kasiyahang ito at hindi ko na namalayan ang pagkakatulog.
       Makalipas ang ilang oras, nakaramdam ako ng isang kamay na inaayos ang mga buhok na nakaharang sa aking mukha. Ayoko munang imulat ang mga mata, sapagkat parang panaginip lang ang lahat. Subalit ang sunod nyang ginawa ang nakapagpagising sa akin bigla. Hinalikan nya ako sa noo. Tumambad sa akin ang napakasaya nyang mukha, dahilan para mapangiti ako ng sobra.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento