Sabado, Nobyembre 17, 2012

Daydreamer Part 1


Alex’s POV:
October 21, 2012, ang araw ng aming pagkikita. Mula sa aming bahay, patungo sa isang napakalayong lugar. Maraming hindi pamilyar na mukha ang aking nakasalamuha ng araw na iyon. Hindi pamilyar sa lugar sapagkat galing sa isang probinsya. Hindi gamay ang takbo ng buhay sa bagong paligid na ito at ang uri ng mga taong naninirahan dito. Puno ng kaba sa unang pagkakataon ng matuntong ng aking mga paa ang nasabing lugar. Puno ng napakaraming bagay na makukulay, iba-iba ang hugis at ang mga tao sa paligid ay iba-iba rin, may malungkot, masaya, nag-iisa, mag-asawa, magkakaibigan, at marami pang iba. Naupo ako sa isa sa mga bakanteng upuan. Malayo ang tingin, na wari’y nililipad na ng hangin ang isipan, at sa ilang saglit, isang mukha ng lalaki ang nabuo sa imahinasyon. Hindi ko namalayan ang nabuong ngiti sa aking labi.
Ang lalaking iyon, gusto ko sya, gustong gusto. Halos kalahating taon na kaming magkakilala sa mundo ng teknolohiya. Kahit papano masaya ako na nakilala sya. Wala akong pinagsisisihan sa mga bagay na namamagitan sa amin. Mali kayo ng iniisip. Magkaibigan na lang kami. Minsan na kaming nagkaroon ng relasyon pero hindi na itinuloy dahil sa masaklap na dahilan, hindi pa kami nagkikita o nagkakasama. Paano nga ba magiging makatotohanan ang mga bagay na ito kung never naming nakita ang isa’t isa sa personal? Pero sa tinagal-tagal ng lumipas na panahon, kinaya kong maghintay ng darating na pagkakataon para makita sya. Kahit bilang kaibigan lang, gusto ko syang makita at makasama kahit saglit lang. kahit saglit lang. Never akong humiling noon ng para sa sarili ko, pero ng dumating sya, isa na sya sa hinihiling ko kay God. I don’t want to have any connection to other guys except him. I only want him. Am I that selfish for asking him as my … oh well, I don’t know.
Then, this is the time He gave. As I stare the blue sky, I never noticed a guy who sits beside me. naramdaman kong tumingin sya sa akin, pero heto ako nakatingin pa din sa mga ulap, nakangiti pa din, at unti-unting lumaglag ang mga luha mula sa mga mata. Naramdaman ko na lang na pinunasan nya ang mga luhang iyon.
“wag ka ng umiyak. Andito na ako. ?”
Tumingin ako sa kanya. Bigla ko syang niyakap. Hindi ko mapigilan ang pagdaloy ng luha. Ang saya… sobrang saya ko… umiiyak ako sa sobrang saya… nagkatotoo na ang hinihiling ko… niyakap nya din ako at sinabing:
“tahan ka na. ayokong makitang umiiyak ka. Halika na mamasyal tayo. Ako nga pala si John Alexis.”
Bumitaw ako mula sa pagkakayakap, at muli nyang pinunasan ang aking mga luha. Ngumiti ako sa kanya at:
“Jane Alex. ^_^ ”
Nagsimula kaming maglakad-lakad. May space sa pagitan namin, pero ilang saglit lang nawala yun dahil sa paglapit nya sa akin at hinawakan ang aking kamay. Eto ang araw na matagal ko ng hinihiling kay God at eto rin ang pakiramdam na matagal ko ng gustong maranasan. Masaya kaming pareho. Matapos ang ilang buwang paghihintay, heto kami’t magkasama na. Sa aming paglalakad, may nadaanan kaming isang simbahan, niyaya ko syang pumasok doon. Taimtim akong nagdasal. Ipinagpasalamat ng buong puso ang araw na ito. Muli, hindi ko na naman napigilan ang sarili ko, ang mga luha ng kasiyahan ay dumaloy na naman habang nakapikit ang aking mga mata at nagpapasalamat sa pagdinig ng aking kahilingan. Nang makatapos ako ay naupo muna sandal. Nagulat ako ng bigla nya kong yakapin.
“ang panget mo. Ang iyakin mo pa. bakit ka ganyan? Diba sabi ko andito na ako kaya hindi kana dapat umiiyak.”
Ngumiti ako at niyakap na din sya. Kahit na nilait nya ako bago sya magdrama. Maya-maya’y lumabas kami ng simbahan at muling namasyal. Ginawa namin ang mga bagay na ginagawa ng isang magkasintahan kahit na hindi naman kami. Sabay kaming kumain, nanood ng sine, nagkantahan sa videoke, sumakay sa iba’t ibang rides, at umupo sa tabi ng dagat para makita ang paglubog ng araw. Sa tuwig masaya ang tao, ang bilis lumipas ng oras.
Medyo dumidilim na ang paligid, naisipan na naming umuwi. Muli kaming naglakad, masayang nagkukwentuhan nang biglang may umagaw ng bag ko. Nahawakan ko naman sa braso ang kumuha ng bag ko at sinubukang bawiin ito sa kanya. Nakialam na si JA sa pangyayari, hinawakan nya sa kwelyo yung lalaki at sinuntok ito. Pinalayo nya ako dahil ayaw nyang madamay ako, subalit mula sa aking kinatatayuan, nakita kong naglabas ng patalim ang lalaki. Akmang sasaksakin na nya si JA pero nakalapit agad ako’t naprotektahan sya. Nagulat silang pareho sa nangyari. Ako ang nasaksak. Ako ang duguan. Napaluhod ako sa sobrang sakit. Samantala, tumakbo na palayo ang lalaki at iniwan na ang bag ko. Unti-unti akong nawawalan ng malay, pero nakita ko ang mukha ni JA na puno ng pag-aalala. Napapikit na ako at naramdaman na lang na buhat nya ako. Wala akong namamalayan sa mga nangyayari sa paligid ko ng oras na dalhin nya ako sa hospital, ang tanging naglalaro sa isipan ko ay ang mukha nya. Ang mga pangyayari sa buong araw. Ang pakiramdam na sobrang saya ko. Nang mga oras na yun, feeling ko nakatulog lang ako habang nakasandal sa kanya. Parang nasa langit kami pareho, walang oras na inaalala, walang ibang taong pumupuna, parang kami lang ang nasa mundo ng araw na ‘yon.
Makalipas ang ilang oras, naramdaman ko ang sakit sa aking tyan at sa kamay, pati na rin ang mabigat na kung anong bagay na nakapatong sa isa kong kamay. Minulat ko ang aking mga mata, at nakita ko ang ulo nya na nakapatong sa kamay ko. Nakatulog sya sa pagbabantay sa akin. Tumingin ako sa paligid at narealize na nasa hospital na pala. Bigla syang nagising at tumingin sa akin. Nagulat ako sa mukha nyang medyo basa pa dahil ng luha. Ang lalaking ito, hindi ko akalaing marunong palag umiyak. Nginitian ko sya, at hinawakan ang mukha nya. Ang saya naming kanina ay napalitan ng kalungkutan dahil sa nangyari. Minabuti nyang bumili na muna ng pagkain, at habang nasa labas sya, tinawagan ko ang Tito Denis para ipaalam ang nangyari sa akin at pagtakpan ako sa aking mga magulang. Nakabalik na si JA at inalalayan ako sa pagkain. Maya-maya dumating naman sina Tito at ang asawa nya. Labis silang nag-aalala para sa akin, subalit nginitian ko lang sila at sinabing ok lang ako. Tumingin naman ako kay JA at:
“uwi kana JA. Palit kana ng damit. Ang dumi mo na oh.”
“ayoko. Ditto lang ako sa tabi mo. Sorry hindi kita napagtanggol kanina.”
“ano ka ba naman. Ok lang yun. Ang mahalaga ok ka. Magiging ok lang naman ako e. wag kana mag-alala ok? Andyan na din naman sina Tito sila na bahala sa akin. Hindi pwedeng hindi ka uuwi, baka magalit si mama mo.”
“p-pero… gusto kong bantayan ka.”
“ang kulit mo talaga. Wag ng magpero, ok lang ako. Pwede ka naming dumalaw bukas e.”
Hindi na nya nagawa pang umangal, kung kaya inayos na nya ang gamit nya para makauwi. Nang papatalikod na sya, hinawakan ko ang kamay nya, tapos niyakap naman nya ako. At bumulong ako:
“maraming salamat JA. Sobra mo kong pinasaya. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Maraming salamat talaga. Mag-iingat ka palagi ha? Oh sya uwi kana.”
“I love you…”
Ngumiti ako sa kanya ng madinig ‘yon. At lumabas na sya ng kwarto ko. Habang abala sina Tito sa pakikipag-usap  sa magulang ko, muling pumikit ang aking mga mata. At sa muling pagmulat ko, nasa isang paraiso na ako. Punong-puno ng makukulay na bulaklak ang paligid. Tuwang tuwa ako sa ganda ng aking nakikita. Sa aking paglalakad ay may nakita akong isang salamin na kasing laki ko na nakasandal sa isang puno. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Subalit sa ilang saglit, iba na ang pinakikita ng salamin. Nakita ko ang sarili kong nakahiga sa kama, may mga doctor at mga nurse na nakapaligid, lahat sila nagmamadali at kung ano-anong ginagawa sa akin. Saka ko lang narealize na wala na pala ako at ang paraisong nakikita ko ngayon ay ang dating langit na malimit kong tinititigan ng nabubuhay pa. napaluhod ako sa aking mga nakita. Muli, umiiyak na naman ako. Umiling ang doctor at sinabi kina tito na wala na ako. Ang sakit. Naiwan kong bigla ang mga taong nagmamahal sa akin lalo na si JA. Ilang saglit, ipinakita naman ang pagdalaw ni JA sa hospital. Nakita ko ang panlulumo nya, ang kalungkutan sa mga mata nya ng malamang wala na ako. Tumakbo ako papalayo sa salamin at umaasang may makakasalamuhang tao o anghel sa paraisong iyon. Mula sa taas ay lumabas ang isang anghel at inilahad ang kamay sa akin wari’y sinasabing sumama ako sa kanya.
“hindi muna ako sasama sayo. Pakiusap po. Parang awa mo na. Gusto kong makita si JA. Gusto kong mamaalam bago sumama sa ‘yo. gusto ko syang makausap ulit kahit sa panaginip lang nya. Please po…”
Sa sobrang pagmamakaawa ko sa anghel ay napapikit ako. At sa muling pagmulat ng mata ko, kaharap ko ang isang JA na sobrang lungkot. Habang nakatungo sya, lumapit ako’t ipinatong ng kamay sa balikat nya. Nagulat ako ng iangat nya ang mukha, hindi sya makapaniwala sa kanyang nakikita. Nagsimula na naman akong umiyak at sinabing:
“JA, sorry ah. Hindi na ko nakapagpaalam sa ‘yo personally. Hindi ko naman kase alam na magkakaganito. Sorry, naiwan kita agad. Sorry, wala ng next time para muli tayong mamasyal. Sorry, sorry… pinagbigyan lang talaga ako ni God. Saglit lang kita nakasama. Pero kahit ganon, wala akong pinagsisisihan. Salamat sa pagmamahal at pagpapasaya ng araw-araw ko mula ng magkakilala tayo. Mag-iingat ka palagi ha. Mamimiss kita ng sobra-sobra.”
“wag kana umalis. Dito ka lang. walang magpapatahan sayo pag umiiyak ka. Wala na akong kukulitin. Gusto pa kitang makasama. Please dito kana lang… wag mo naman akong iwanan.”
“JA, kahit hindi mo na ko makita o makasata o makausap, tandaan mong babantayan kita. Kahit anghel na ako, mananatili ako dyan sa tabi mo. Pwede mo kong kausapin kahit anong oras at kahit nasaan ka pa. tandaan mo lang na mahal na mahal kita at di ko hahayaang mawalay sayo. Kahit di mo ko nakikita, sasamahan pa din kita.”
“mahal na mahal na mahal kita. Bakit kase ganito ang kapalaran natin? Mamimiss kita ng sobra. Si God naman ang kasama mo diba? Kaya di na ako masyadong mag-aalala.”
Habang yakap namin ang isa’t isa, unti-unti na akong nawawala, hindi ko na sya mahawakan, hanggang sa hindi na nya ko nakikita. Nakakalungkot. Wala akong magawa. Ang sakit magpaalam sa isang taong hagya mo na nakasama. Naiisip mo kung gaano pa kadami ang pwede nyong maging moment pero dahil  sa nakatakda, hindi na ito mangyayari.
Iminulat ko ang aking mga mata. Napatingin sa paligid, saka ko napagtantong panaginip ang lahat. 3pm ako nagising, lumuluha dahil sa napanaginipan. Haaays… Sana hindi yun magkatotoo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento