Sabado, Agosto 3, 2013

Realizaton # 6

August 3, 2013
   That was my birthday. Masaya akong sobra. PROMISE!

      Hindi ako nag-eexpect ng kahit na anong surprises pero yung mga tao sa paligid ko ang gumawa ng paraan para lalo akong mapasaya. Sa company, nagcelebrate ako kasama ang mga technicians, at OIC namin. Sila yung nanlibre para sa akin. Sinabi ko kase na wala akong pantreat sa kanila kase wala akong pera. Pero maya-maya, sila na yung naglabas ng pera. Softdrinks at chichirya ang handa nila. Hahaha... Ang kukulit nila. Kahit birthday ko, hindi ako pinaligtas sa mga pang-aasar nila. Mas matindi pa nga ngayon e.

     Tapos continuation ng celebration sa bahay kasama ang mga HS friends. Sa dami ng mga kwento nila, sobra sobra din akong napatawa at napasaya. Kaya naman nung umuwi sila, nakaramdam na ako ng pagod at nakatulog na.

     Hapon, nakauwi na ako ng bahay. Nagpaalam ako saglit sa nanay ko na mag-iinternet sa comshop. Nagbukas ako ng facebook account at tiningnan ang regalo ni Snorlax. Napa-HUH??? ako, kase excel file yung nandun. Naisip ko, ano na naman kayang pakulo nito. Haays... Habang nagloloading yung file, ewan ko kung bakit pero kinakabahan ako. Nang mabuksan na, may instruction muna, tapos andaming question marks. AYT! Adik lang talaga yun. Pero nung ma-enter ko yung pangalan ko sa A2, lumabas na yung mga message nya sa column C.

"
Almost 2 years na tayong magkakilala
Ang dami na nating naibahagi sa isat isa
Marami akong dapat ipagpasalamat sayo
Kaya ngayong birthday mo
Ito ang naisip ko na gawing regalo
nakakasawa na kasi yung powerpoint ^_^
UU nga pala happy birthday
Di ko alam kung magiging masaya ka sa naisip kong ito
Sana maging masaya ka ngayong kaarawan mo
Basta alam mo naman na mahalaga ka sakin ^^
Huli kong sasabihin sayo nasa column D :P
Unhide mo muna yung column D"

Pagka-unhide ko, eto ang biglang lumabas:

Can you be my girldfriend?
I love you CQC
Happy Birthday Ulit


Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko nung mga oras na yon. Nanginginig ang mga kamay ko sa sobrang kaba. Natulala ako saglit sa monitor ng PC. Maya-maya may luha na pala sa pisngi ko. haaaays...

Yung mokong na yon.. Pinaiyak na naman ako. Pero hindi dahil sinaktan ako, kundi dahil sa sobrang saya ko. Ewan ko ba kung bakit sobrang babaw ng luha ko. Natouch talaga ako sa mga sinabi niya. At nung oras na yon, nagpasalamat ako sa kanya. Lumuluha pa din ako habang nagtatype. Sinagot ko din sya non. Magpapaligoy-ligoy pa ba ako? E mahal ko naman sya kaya pumayag na din ako.

Hanggang sa makauwi, hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Ang sarap lang sa pakiramdam. Oo hinihintay kong makipagbalikan sya pero hindi ko talaga inexpect na gagawin nia yun sa mismong bday ko.

Ang wish ko lang pag nagbbday ako, maging maayos lahat ng mga mahal ko sa buhay at makasama sya next time. Haaays... kelangan ko lang sigurong maghintay at mangyayari din yung wish ko na yun. POSITIVITY! ^_^




Ang sarap sa pakiramdam na mahal ka na talaga ng taong mahal mo. At wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam na madaming nagmamahal sayo. ^______^

Huwebes, Agosto 1, 2013

Realization # 5

Ngayong araw na 'to, ok naman kahit papano.
Nakaraos ang buong maghapon na hindi ko sya nakakausap.
Pero may natanggap akong message mula sa pinsan nya, mapula daw ang pisngi nya.
Haaays... Mukhang nasampal daw ata. Nainis ako ng konti kung totoo man yung nangyare.
Pero inintindi ko na din yung sitwasyon ng babaeng nanampal.
Nakakainis lang sinasaktan sya ng ganun, napakaunfair kase kahit na biktima lang sya, sa huli sya pa din ang lumabas na masama. HAAAAAYSSSS.....


Deep inside hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
May inis na may halong selos.

Una, naiinis ako sa babaeng nanampal.
Pangalawa, naiinis ako sa kanya kase hindi sya makausap ng ayos kapag nagkatopak na.
Pangatlo, naiinis ako kase hindi niya sinasabi saken para nadadamayan ko sya. Ano pang silbi ko sakanya, dba?
Pang-apat, naiinis ako na hindi nya mapansin kung sino ang mga nagkakagusto sakanya.
Panglima, naiinis ako kase porke umiiyak ang babae sa harapan niya, hinahayaan na lang nya kung ano ang gustong gawin sakanya.

haaaaayssss...

Nagseselos ako kase...

Una, yung babaeng nanampal ang nakakasama nya.
Pangalawa, yung babaeng yun ang napapagkamalang gf niya.
Pangatlo, pumayag sya na magpahalik sa babaeng yun.
Pang-apat, may ganun pa silang eksena, sampalan, halikan, dramahan...

Ay ewan!
Nawiwindang ako sa kanya...

Miyerkules, Hulyo 31, 2013

Realization # 4

"naantok ulit ako... the sweetest quote i've heard

simply... when she says "iloveu" nothing more nothing less

goodnight
oyasuminasai minna san desu"

----> MY SNORLAX


Sa wakas, nagparamdam din sya. ^_^

Akala ko paaabutin niya talaga ng 1-2 weeks bago magparamdam ulit e.
Buti na lang hindi nya ako matiis. 
Haaays.. Ang dami ng nakakapansin ng pagiging inlove namin. CHOS!
Pero keri lang, hindi naman namin tinatago e.


Ang sarap lang sa pakiramdam na mahal ka ng taong mahal mo.

Na gusto ka ng taong gusto mo.
Na crush ka ng taong crush mo.
Na pinahahalagahan ka ng taong pinahahalagahan mo.
At higit sa lahat, na gusto ka ding makasama ng taong gustong gusto mong makasama.


Haaays... Itong araw na 'to,  kahit na maghapon akong may sakit nakuha ko pa ding tumawa, magpatawa, at makisama sa mga biruan. Noong una pilit lang lahat. Pero nung makita ko yung text nya... OVER! Feeling ko gumaling ako bigla. Hehe..



Sabi nila, kung ano daw ang gusto mong mangyari,

isipin mo lang at samahan ng paggawa,
maghintay ka lang at makakamit mo din yun. :)

Well, just think positive.

Tiwala lang. 
Makukuha mo rin ang gusto mong makuha.


Kung hindi man umiikot ang mundo mo ngayon base sa kagustuhan mo,

maghintay ka lang, magkakaroon ka din ng pagkakataong paandarin ang sarili mong mundo.

Lunes, Hulyo 29, 2013

Realization # 3

Ilang linggo pa ang hihihntayin ko?
1week?
2 weeks?

haays... Parang isang buwan ang katumbas nun.
Yung isang araw pa nga lang na hindi kita makatext,
namimiss na kita, nagkakapimples na ako ng bongga,
Pano pa kaya yung weeks na ang lumipas?
Hindi kaya pigsa na ang tumubo dito?
Haha.. Wag naman sana.

AYT!! Hindi lang talaga ako sanay na hindi ka nakakausap.
PAgbigyan muna ako.
Ngayon lang naman e.
Makakaintay naman ako ng tapos ng exam mo.


^_______^

Huwebes, Hulyo 25, 2013

Realization # 2

Alam mo ba yung feeling na kahit walang kwenta ang usapan ninyo,
basta sya ang kausap, ok na ok na sa 'yo...
Masaya kana kase, SYA yun e...
May time syang binigay sa 'yo...
EFFORT yun!

Minsan kase kahit effort lang ok na sa 'ken,
at least kahit papano napaglalaanan nia ako ng oras nia.

Ang sarap lang sa pakiramdam na kahit gaano ka pa ka-busy,
andyan pa din sya lagi para sa'yo,
alam mong busy din sya pero nasisingit pa din sa oras nya yung pangangamusta sa'yo,
pakikipagkwentuhan ng mga nangyare sa buong maghapon,
pati mga jokes na korni na minsan pero natatawa kapa din,
lalo na yung panlalambing nia na magpapangiti talaga sa'yo.

Haaaays....

Sa simpleng mga bagay na ginawa mo, sobrang nagpapasalamat na ako.
Alam mo yan. Araw-araw ko na lang ata ginawa ang magpasalamat sa 'yo.
Binging bingi kana siguro. Hehe

Tulad ngayon, mukang magpapasalamat na naman ako.
Ewan ko ba, sa tuwing naiisip ko yung mga nangyari, nagmumukha akong ewan.
Hindi kase ako makapaniwala.

Hindi ako makapaniwalang kahit ganito ako,
hindi katalinuhan, hindi din kagandahan,
at lalong hindi kaputian, e pinili mo pa din ako.

Andyan kapa din.

Hindi ka nagsasawa sa paulit-ulit kong mga sinasabi.
Hindi ka din nagsasawang magshare ng mga nalalaman mo.
Hindi ka din napapagod mangulit at umintindi sa mga kakulangan ko.

Salamat ha...
Salamat talaga...
Salamat ng maraming marami...


^___________^

Martes, Hulyo 23, 2013

Realization # 1

Alam mo yung feeling na perfect na halos ang lahat...
Ok na yung ugali niya...
Ok na din yung feelings niya para sa 'yo...
Kahit wala kayong commitment, nagkakaintindihan pa din kayo...
Kaso ang masaklap na part lang, yung nakalipas na ang isang taon pero hindi pa din kayo nagkikita...

Haaaays lang...

Pero kahit ganon, sana makayanan pa namin yung natitirang dalawang taon ng paghihintay para magkita na kami. Masyado kasing busy ngayon, kase nag-aaral pa kami pareho. Eto muna ang priority namin.Priority muna namin ang pangarap ng aming mga magulang bago ang aming mga pansariling kagustuhan. Pag nakatapos na naman kami alam kong mabibigyan na kami ng kalayaan na gawin kung ano ang gusto naming gawin sa buhay.

Magtiwala ka lang sa kung ano ang gusto mong mangyari, matutong maghintay kase ibibigay din yan pagdating ng panahon.

Thanks God for granting my wish. ^_^